Sikat na Police vlogger na nag-rant sa social media, posibleng maharap sa administratibong kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung may “administrative liability” ang sikat na Police vlogger na nag-rant sa social media.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kaugnay ng ginawa ni Police Staff Sergeant “Joylene” Cachin ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO na paglalabas ng sama ng loob sa social media tungkol sa umano’y pag-reassign sa kanyang asawang pulis.

Paliwanag ni Fajardo, may mekanismo ang PNP kung saan maaring idulog ang mga hinaing ng kanilang mga tauhan; at kung hindi kuntento sa aksyon ng immediate superior, ay maari naman itong iparating sa nakatataas.

Ayon kay Fajardo “unfortunate” ang ginawa ni SSgt. Cachin lalo pa’t hindi niya lubos na naunawaan ang kautusan tungkol sa reassignment ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa mga distrito para sa eleksyon, na rekomendasyon pa lang at hindi pa naipatutupad.

Dagdag ni Fajardo, nagpapasalamat ang PNP sa pag-vlog ni Cachin na nakatutulong sa pagpapaganda ng imahe ng organisasayon, pero boluntaryo niya itong ginagawa at hindi dapat isumbat sa PNP.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us