Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

Facebook
Twitter
LinkedIn

11 international cruise ships, nakatakdang dumaong sa Subic Freeport matapos ang tatlong taong epekto ng global pandemic.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sinimulan ng Blue Dream Star, isang luxury vessel ang pagdaong sa freeport habang inaasahang mula ngayon hanggang November 21 ang pagdating ng 10 pang malalaking barko lulan ang libu-libong turista.

Napag-alaman din na ang Blue Dream Star ang kauna-unahang outbound cruise mula China na lumayag matapos ang pandemya.

Naniniwala si SBMA Chairperson and Administrator Jonathan Tan na malaki ang magiging ambag nito sa turismo ng bansa.

Kamakailan, naglabas ang Malacañang ng Executive Order No. 271 at 72 kaugnay sa admission at pananatili ng foreign nationals sa Subic Bay Freeport Zone bilang temporary visitors, at pinapayagan silang manatili sa bansa ng hanggang 14 na araw.

Ang 10 cruise ship na darating sa bansa ay inaasahang magdadala ng tinayatang 20,000 turista sa freeport. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

📷: SBMA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us