Naghahanda ngayon ang Bicol para sa mas pinasiglang turismo sa kanilang rehiyon.
Ito ang inihyag ni AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co kasabay ng pagpapasinaya ng bagong municipal hall sa Sto. Domingo Albay.
Aniya, asahan na ang buhos ng mga programang pang imprastraktura at turismo.
Una rito ang “Bicol Loco Festival” kung saan itatampok ang hot air balloon.
Kahalintulad ito ng sikat na balloon festival sa Clark at Cappadocia sa Turkey.
Katuwang ang Department of Tourism, inaasahan na 25 hot air balloons ang makikibahagi sa tatlong araw na Bicol Loco Festival, na sasabayan ng mga konsiyerto at posibleng idaos sa Hunyo o Hulyo.
“Imagine those scenes in Clark or Cappadocia in Turkey; we will bring it to Legazpi. We’re coordinating…to see which international artists are available in Asia. We’ll try to bring them to Legazpi,” sabi ni Co.
Isa rin sa kanilang plano ay ang pagpapailaw sa Mayon Volcano na gaya nang sa pamosong pagpapailaw sa Eiffel Tower sa France, na magdadala aniya ng dagdag pang mga turista sa probinsya
Kasama rin sa iba pang proyekto na makatutulong para mapalakas ang turismo sa Bicol ang bagong bukas na Legazpi International Airport, konstruksyon ng cruise ship terminal sa Legazpi, at ang PNR Bicol rail project.
“Once operational, the train express service is expected to cut down the travel time from Manila to around four and a half hours,” dagdag pa ni Co.
Maliban naman sa depensa mula sa storm surge ay nagsilbi ring atraksyon ang coastal road sa Sto. Domingo, na siyang may pinakamagandang view ng Albay Gulf.
Diin ng mambabatas, na ang pinaigting na turismo sa Bicol ay magreresulta ng pag-unlad sa ekonomiya at dagdag na trabaho sa rehiyon. | ulat ni Kathleen Forbes