Tensyon sa pulitika sa Masbate City, humantong sa pamamaril; kandidato sa pagka-kagawad, patay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nauwi sa pamamaril ang umano’y tensyon sa pagitan ng dalawang kampo ng mga kumakandidato sa barangay Maingaran, Masbate City nitong hapon ng Oktubre 22, na ikinasawi ng isang aspirante sa pagka-barangay kagawad.

Kinilala ang biktima na si Juvy Pintor, 44 anyos, habang sugatan ang kaalyado nitong incumbent punong barangay na si Joseph Martinez.

Sa ulat ng Masbate PNP, lumalabas na nakiramay sa isang burol sa barangay si Pintor at ang mga kasamahan nito kabilang si PB Martinez, nang magpang-abot ang mga ito at ang mga umano’y tagasuporta ni Dolores Inopia na kumakandidato rin sa nasabing barangay.

Dito ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawang panig nang bigla umanong bumunot ng baril ang isang supporter ni Inopia at pinagbabaril sina Martinez at Pintor na agad ikinasawi nito.

Agad namang isinugod sa ospital si PB Martinez na umano’y nagtamo ng mga sugat sa katawan. Habang tumakas naman kaagad sa pinangyarihan ang mga namaril.

Patuloy namang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang nasa walong suspek na sangkot sa naturang gulo at sa pamamaril sa dalawang biktima. | ulat ni ni Jann Tatas | RP1 Virac

📷 Masbate PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us