Walang na-monitor na ‘significant untoward incident’ ang PNP sa unang araw ng campaign period ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, naging pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa buong bansa kahapon ng unang araw ng campaign period.
Gayunman, patuloy ang kanilang mahigpit na monitoring sa mga lalawigan na posibleng nakapagtala ng mga insidente para makumpirma kung may kinalaman ito sa eleksyon.
Sa huling ulat ng PNP, 18 na ang kumpirmadong election-related incidents na naitala sa loob ng election period ng BSKE mula Agosto 28 hanggang hanggang Oktubre 18.
Apat sa mga insidenteng ito ay naganap sa Bangsamoro Autonomous Region; tig-3 sa Region 4A, Region 10 at Region 8; at tig-isa sa Region 1, Region 9 at Region 7. | ulat ni Leo Sarne