USAID, namahagi ng educational kits sa mga estudyanteng apektado ng bagyo sa Santa Ana, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng kalahating milyong pisong halaga ng educational kits ang United States Agency for International Development (USAID) sa mga estudyante ng mga paaralang apektado ng mga nagdaang bagyo sa Santa Ana, Cagayan.

Ang educational kits na kinabibilangan ng mga aklat na pang kindergarten hanggang grade 3, at mga teaching material, ay pakikinabangan ng 3,000 estudyante at halos 100 guro ng 19 na paaralan sa naturang bayan.

Ang mga education kit ay tinanggap nina Santa Ana Councilor Victoriano Fabro at Department of Education (DepEd) Region II Director Dr. Benjamin Paragas mula kay USAID Philippines Office of Education Deputy Director Yvette Malcioln, Contracting Officer Howard Weston at mga miyembro ng U.S. Civil Affairs Team, kahapon.

Sinabi ni USAID Philippines Deputy Director Malcioln na bahagi ito ng commitment ng Estados Unidos na makipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) project, nakapagbigay na ang USAID ng mahigit 26.7 million early grade reading materials na dinebelop kasama ang Department of Education sa mga mag-aaral sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: US Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us