Isang nawawalang senior citizen, inasistehan ng makauwi ng Makati BFP at manila PNP

Isang senior citizen na bumisita sa Manila South Cemetery ang humingi ng tulong sa Makati Bureau of Fire Protection para makauwi sa kanyang tahanan. Ayon sa BFP Makati, pasado alas sais ng gabi ng magtungo sa Makati Central Fire Bureau ang 80-year old na si Tatay Alfredo Caminong para humingi ng tulong na makauwi sa… Continue reading Isang nawawalang senior citizen, inasistehan ng makauwi ng Makati BFP at manila PNP

Mga kawani ng MMDA, nagsagawa ng clean-up drive sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas

Puspusan ang isinagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila ngayon Undas. Ito ay sa pangunguna ng mga miyembro ng MMDA Metro Parkway Clearing Group. Bahagi ito ng Oplan Undas 2023 ng ahensya na layong matiyak na maayos at malinis ang kapaligiran sa mga sementeryo… Continue reading Mga kawani ng MMDA, nagsagawa ng clean-up drive sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas

Batas para bigyan na ng sweldo ang mga opisyal ng barangay, itinutulak ni DILG Sec. Abalos

Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary na imbes na honoraria ay sweldo na ang ibigay sa mga opisyal ng barangay. Sa isang pulong balitaan sinabi ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na pinapaaral na niya ngayon kung magkano ba ang maaaring itakdang minimum at maximum na halaga ng sweldo ng… Continue reading Batas para bigyan na ng sweldo ang mga opisyal ng barangay, itinutulak ni DILG Sec. Abalos

Pagbisita ni Japan PM Kishida sa bansa, may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan

Panibagong pinto para sa kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang inaasahang mabubuksan sa 2-day official visit ni Japan Prime Minister Fumio Kishida sa bansa, kabilang na ang pagharap nito sa Joint Special Session ng Kongreso sa November 4. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang magiging pagbisita ni Kishida at asawa nito na… Continue reading Pagbisita ni Japan PM Kishida sa bansa, may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan

Joint session ng Kongreso para kay Japan Prime Minister Kishida Fumio, all systems go na – SP Zubiri

Handa na ang lahat para sa gagawing joint session ng Kongreso sa Sabado para sa pagdating ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang pagbisitang ito ni Kishida ay inaasahang makapagpapatatag ng kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Sinabi ng Senate President, na ang Japan ay isang matatag… Continue reading Joint session ng Kongreso para kay Japan Prime Minister Kishida Fumio, all systems go na – SP Zubiri

Libingan ng mga Bayani, sasailalim sa modernization program ng pamahalaan

Nakatutok ngayon ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa redevelopment ng Libingan ng mga Bayani (LNMB). Ayon kay Lieutenant Colonel Elenita Altamirano, ang Commanding Officer ng Grave Services Unit ng Philippine Army, may 5-year modernization plan ang PVAO para sa sementeryo. Kailangan aniyang mabatid ng lahat na ang LNMB, bukod sa pagiging isang military facility… Continue reading Libingan ng mga Bayani, sasailalim sa modernization program ng pamahalaan

DILG Sec. Abalos, pabor na kasuhan ang mga guro na umatras sa BSKE

Pabor si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na sampahan ng kaso ang mga gurong umatras sa pagsisilbi bilang poll watchers sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE). Ito ang pahayag ng kalihim sa plano ng COMELEC na habulin ang mga guro na umano’y naging sanhi nang pagkaantala ng election sa ilang lugar sa bansa. Pero… Continue reading DILG Sec. Abalos, pabor na kasuhan ang mga guro na umatras sa BSKE

DILG Sec. Abalos, suportado ang pagkakaso sa mga guro at pulis na nag-back out sa pagseserbisyo noong BSKE kung may sapat na basehan

Hindi pipigilan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Commission on Elections (COMELEC), kung maghahain ito ng kaso laban sa mga guro at pulis na biglang umatras sa kanilang election duties. Matatandaan na sinabi ni COMELEC Chair George Garcia, na kasong kriminal at administratibo ang kanilang ihahain laban… Continue reading DILG Sec. Abalos, suportado ang pagkakaso sa mga guro at pulis na nag-back out sa pagseserbisyo noong BSKE kung may sapat na basehan

Pamamahagi ng honoraria ng mga guro na nagsilbi nitong halalan, binibilisan na ng COMELEC

Sisikapin ng Commission on Elections (COMELEC) na matapos sa linggong ito ang pamamahagi ng honoraria ng mga guro na nagsilbi bilang election board sa katatapos lamang na baranggay at sangguniang kabataan elections (BSKE). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laundiangco na October 30 pa lamang, nasimulan na nila ang pamamahagi ng… Continue reading Pamamahagi ng honoraria ng mga guro na nagsilbi nitong halalan, binibilisan na ng COMELEC

Tuluyan nang nagsara ang pinto ng Manila South Cemetery eksakto alas sais ng gabi

Tuluyan na ngang nagsara ang gate ng Manila South Cemetery para sa mga bisita ngayong All Saints day, November 1. Bago tuluyang magsara ang gate kaninang alas sais ng gabi ay nagkaroon muling nag anunsyo ang pamunuan ng sementeryo at nagkaroon pa ng countdown para sa mga nais pang humabol. Pero ilang minuto lang matapos… Continue reading Tuluyan nang nagsara ang pinto ng Manila South Cemetery eksakto alas sais ng gabi