Mga nanalo sa BSK Elections sa Caloocan, manunumpa na ngayong araw

Nakatakda nang manumpa sa tungkulin ngayong araw ang mga nanalong opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Lungsod ng Caloocan. Nakaiskedyul na isagawa ang Mass OathTaking Ceremony mamayang alas-3 ng hapon sa Caloocan City Sports Complex. Pangungunahan ito ni Caloocan Mayor Along Malapitan, Vice Mayor Karina Teh, at pati na mga district representative… Continue reading Mga nanalo sa BSK Elections sa Caloocan, manunumpa na ngayong araw

Publiko, hinikayat ng MERALCO na maging masinop sa paggamit ng kuryente

Nagpaalala ngayon ang Manila Electric Company o MERALCO sa publiko na maging masinop naman sa paggamit ng kuryente. Ginawa ng Power distributor ang pahayag kasunod ng anunsyong pagtaas ng kanilang singil para sa buwan ng Nobyembre. Ayon aa MERALCO, upang mas mabantayan ang konsumo, ugaliing tandaan lamang ang sumusunod na mga hakbang. Una, tanggalin sa… Continue reading Publiko, hinikayat ng MERALCO na maging masinop sa paggamit ng kuryente

Lady solon, pinakokonsidera sa DOJ na gawin ang paglilitis sa mga opisyal ng SBSI sa Metro Manila

Umapela si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera sa Department of Justice (DOJ) na dito na lang sa Metro Manila gawin ang paglilitis sa mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) kaysa sa Surigao Del Norte. Duda kasi ang mambabatas sa korte ng lalawigan dahil sa takot na naitanim… Continue reading Lady solon, pinakokonsidera sa DOJ na gawin ang paglilitis sa mga opisyal ng SBSI sa Metro Manila

Malabon LGU, may maagang Pamasko sa higit 46,000 pamilya sa lungsod

Nagsimula na ang pamamahagi ng Malabon local government ng maagang Pamasko para sa libo-libong residente ng lungsod. Ito ay sa pamamagitan ng Malabon Ahon Blue Card na proyekto ni Mayor Jeannie Sandoval upang matiyak na ang bawat Malabueño ay madaling makatatanggap ngayuda at mga serbisyo. Ayon sa LGU, aabot sa ₱39-milyong ang inilaan nitong pondo… Continue reading Malabon LGU, may maagang Pamasko sa higit 46,000 pamilya sa lungsod

NGCP, sinisi ang ERC kaugnay sa isyu ng kanilang mga gastusin

Ibinalik ng National Grid Corporation of the Philippines sa Energy Regulatory Commission ang sisi matapos kwestyunin ang kanilang mga gastusin. Nauna rito ay sinabi na ng ERC na hindi maaaring bawiin ng NGCP sa mga konsyumer ang kanilang mga gastusin sa corporate social responsibility at mga donasyon. Kabilang na rito ang mga gastos sa advertisement,… Continue reading NGCP, sinisi ang ERC kaugnay sa isyu ng kanilang mga gastusin

MWSS, iniimbestigahan na ang mga reklamo sa malabong tubig na sinusuplay ng Maynilad

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) sa mga reklamo ng malabong tubig na isinusuplay ng water concessionaire na Maynilad. Ayon sa MWSS, na-monitor nito ang maraming reklamo ng mga customer ng Maynilad kahapon partikular sa manilaw-nilaw na tubig na lumalabas sa kanilang gripo. Nakikipag-ugnayan na aniya ang MWSS sa… Continue reading MWSS, iniimbestigahan na ang mga reklamo sa malabong tubig na sinusuplay ng Maynilad

Pagbili ng 5 multi-role response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan sa ika-11 NEDA Board meeting ang tatlong malalaking proyektong pang-imprastraktura at pagpapalakas ng maritime security ng Pilipinas. Kabilang dito ang higit P29 billion na Phase 3 Maritime Capability ng Philippine Coast Guard na kinabibilangan ng limang multi role response vessels. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, palalakasin lamang nito ang kakayahan ng PCG sa… Continue reading Pagbili ng 5 multi-role response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Ratipikasyon ng ILO Convention 190, “milestone” para sa administrasyong Marcos — Deputy Speaker Mendoza

Pinapurihan ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza ang pagratipika ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Labour Organization (ILO) Convention No. 190 o Violence and Harassment Convention of 2019. Aniya, patotoo ito sa commitment ng pamahalaan na itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa kasama ang overseas Filipino workers (OFWs). “The… Continue reading Ratipikasyon ng ILO Convention 190, “milestone” para sa administrasyong Marcos — Deputy Speaker Mendoza

LTO, nagpaalala sa huling batch ng mga motoristang mabibigyan ng plastic license card ngayong taon

Nag-abiso ngayon ang Land Transportation Office (LTO) na hanggang Hunyo na backlog na lamang sa lisensiya ang mabibigyan nito ng plastic card. Ito ay dahil pa rin sa ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction sa supply ng Driver’s License cards. Ayon sa LTO, ang mga nag-expire ang lisensya hanggang May 31 ay maaari pang mag-renew… Continue reading LTO, nagpaalala sa huling batch ng mga motoristang mabibigyan ng plastic license card ngayong taon

Halos 6K pamilya, apektado ng baha sa Davao City

Aabot sa halos 6,000 pamilya ang apektado ng baha sa lungsod ng Davao bunsod ng malakas na ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorm. Ayon kay Retired Colonel Alfredo Baloran, hepe ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), pinakamarami nito ay mula sa Brgy. Talomo Proper na umabot sa 1,800 pamilya ang… Continue reading Halos 6K pamilya, apektado ng baha sa Davao City