Mataas na Performance Rating ni DSWD Sec. Gatchalian, welcome sa kagawaran

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakamit na mataas na Performance Rating ni Secretary Rex Gatchalian sa pinakahuling “Boses ng Bayan” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Batay sa naturang survey, nakakuha ng 84% na Approval Rating si Sec. Gatchalian, at 88% na Trust Rating. Siya ang ikalawa sa… Continue reading Mataas na Performance Rating ni DSWD Sec. Gatchalian, welcome sa kagawaran

Pagbili ng 5 multirole response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Inaprubahan sa ika-11 National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting ang tatlong malalaking proyektong pang-imprastraktura at pagpapalakas ng Maritime Security ng Pilipinas. Kabilang dito ang higit ₱29-billion na Phase 3 Maritime Capability ng Philippine Coast, na kinabibilangan ng limang multirole response vessels. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, palalakasin lamamg nito ang kakayahan ng… Continue reading Pagbili ng 5 multirole response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Resignation ni Presidential Adviser on Creative Communications, kinumpirma ng Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang na nagbitiw na sa pwesto si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nagsumite ng resignation si Soriano, upang mabigyang prayoridad ang ilang personal commitment nito. Kabilang na dito ang paglalaan ng oras sa kaniyang pamilya at sa bagong silang na anak. Kung… Continue reading Resignation ni Presidential Adviser on Creative Communications, kinumpirma ng Malacañang

ERC, bukas sa anumang imbestigasyon ukol sa weighted average cost of capital ng MERALCO

Mariing itinanggi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may sabwatan sila ng Manila Electric Company o MERALCO. Ito ang tugon ng ERC sa batikos ni Laguna Representative Dan Fernandez sa umano’y sabwatan ng ERC at MERALCO dahil sa kabiguang ibalik ng power distributor sa mga konsyumer ang sobrang nasingil nito. Magugunitang sa privilege speech sa… Continue reading ERC, bukas sa anumang imbestigasyon ukol sa weighted average cost of capital ng MERALCO

Mahigit P20-M halaga ng shabu nasabat sa Jaro, Iloilo City

Nasabat sa operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, Iloilo City Drug Enforcement Unit at Jaro PNP ang mahigit P20 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Camalig Jaro, Iloilo City. Arestado sa operasyon sina alyas Shanon, alyas Kerry at alyas Anne pawang mga high value target drug personalities.… Continue reading Mahigit P20-M halaga ng shabu nasabat sa Jaro, Iloilo City

5.9 percent economic growth, iniangat ang Philippine Stock Market

Umangat ang Philippine stock market kasunod ng magandang resulta ng third quarter economic growth. Dahil welcome sa mga investors ang positive report, tumaas ang main index ng 33.19 puntos o 0.54 percent at nagsasara sa 6,188.22. Ang dami ng shares na na-trade ngayon ay umabot sa 419 million na nagkakahalaga ng ₱4.6-billion pesos habang ang… Continue reading 5.9 percent economic growth, iniangat ang Philippine Stock Market

Philippine Army, hinirang na overall champion sa Uniformed Services Olympics

Hinirang bilang overall champion ang Philippine Army sa pormal na pagtatapos kahapon ang 2023 Uniformed Service Olympics. Ang palaro ay nilahukan ng mga atleta mula sa Philippine Army (PA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and… Continue reading Philippine Army, hinirang na overall champion sa Uniformed Services Olympics