150 bata mula sa tatlong bayan ng Romblon, benepisyaryo ng Balik Sigla, Bigay Saya gift giving activity ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napasaya ng Isang Bansa Pilipino (IBP) Romblon Chapter ang nasa 150 bata mula sa mga bayan ng Ferrol, Sta. Fe at Looc sa isinagawang Balik Sigla, Bigay Saya Gift Giving activity kaninang umaga.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay IPB Romblon Provincial Director, William Axalan, kanyang sinabi na pinili ang mga batang ito mula sa pamilya ng lubhang mahihirap upang handugan ng pagkain at regalo sa mga premyong inihanda sa parlor games.

Nabatid din mula sa opisyal na nabuo ang kanilang chapter noong February 2022 at kasalukuyang meron nang tinatayang 15K na mga miyembro ng mahihirap na pamilya.

Aniya, mayroon nang nabuong municipal chapters sa 11 bayan mula sa kabuuang 17 bayan ng Romblon. Patuloy naman aniya ang kanilang pagbubuo sa mga naiwang islang bayan.

Sinabi rin niyang maraming makabuluhang proyekto ang kanilang Samahan gaya ng Bayanihan Farm na nakaangkla sa pangunahing layunin ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa ikabubuti ng Sambayanang Pilipino.| ulat ni Leonie Algire| RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us