DTI, handa na sa gaganaping Cashless Expo 2023

Handa na ang Department of Trade and Industry para sa gaganaping Cashless Expo 2023 bukas, November 17 hanggang November 19 sa World Trade Center sa Pasay City. Layon ng naturang Cashless Expo 2023 na pataasin ang paggamit ng digital payment at hikayatin ang mga mamimili na gumamit ng cashless na pambayad sa buong bansa. Ayon… Continue reading DTI, handa na sa gaganaping Cashless Expo 2023

UN Rapporteur, ipinadedeklarang persona non-grata ni NYC Chair Cardema

Dapat ideklarang persona non-grata si UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry matapos nitong ipanawagan ang pagbubuwag sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ito ang inihayag ni National Youth Commission Chairperson Undersecretary Ronald Cardema, sa regular na press conference ng NTF-ELCAC Tagged: Reloaded, ngayong umaga. Ayon kay… Continue reading UN Rapporteur, ipinadedeklarang persona non-grata ni NYC Chair Cardema

Driver na nagpangalan kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. matapos mahuli sa EDSA Busway, nakatakdang lumutang sa MMDA ngayong araw

Nakipag-uganayan na rin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang driver ng sasakyan na nahuling dumaan sa EDSA Busway at nagpangalan kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. Ito ang kinumpirma mismo ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes, kung saan sinabi nito na nakatakdang lumutang ngayong araw ang naturang driver para magpaliwanag ng kaniyang panig. Gayunman,… Continue reading Driver na nagpangalan kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr. matapos mahuli sa EDSA Busway, nakatakdang lumutang sa MMDA ngayong araw

Dating Pangulong Rodrigo Duterte, ‘di obligadong humarap sa preliminary investigation ng kasong kinakaharap sa QC Prosecutor’s Office 

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito obligadong dumalo sa patawag ng Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong grave threat na kinakaharap nito.  Ayon sa kanyang abogado at dating tagapagsalita na si Harry Roque, pwedeng abogado lamang ang humarap sa ipinadalang summon at hindi ang dating presidente.  Sakaling makakuha sila… Continue reading Dating Pangulong Rodrigo Duterte, ‘di obligadong humarap sa preliminary investigation ng kasong kinakaharap sa QC Prosecutor’s Office 

Kapalaran ni Nebrija, pag-aaralan pa ng legal team ng ahensya

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority na magiging patas at walang kinikilingan ang imbestigasyon laban sa kanilang suspendidong pinuno ng Special Operations Unit na si Col. Edison “Bong” Nebrija. Sa pulong balitaan sa tanggapan ng MMDA sa Pasig City ngayong araw, sinabi ng acting chair nito na si Atty. Don Artes na daraan sa due… Continue reading Kapalaran ni Nebrija, pag-aaralan pa ng legal team ng ahensya

‘No registration, no travel’ policy, mas hihigpitan ng LTO

Ipinag-utos ngayon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ Policy sa mga motorista. Kasunod ito ng isinagawang review ng ahensya kung saan lumalabas na 65% ng motor vehicles sa bansa ang maituturing na ‘delinquent’ dahil hindi rehistrado. Katumbas ito ng… Continue reading ‘No registration, no travel’ policy, mas hihigpitan ng LTO

Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ilang bansa sa pagtatatag ng oncology clinics, welcome development — House Speaker

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang mga nalagdaang kasunduan sa sidelines ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa APEC Summit sa San Francisco, California. Una rito ang memorandum of understanding sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherland B.V. at Varian Medical Systems Philippines para sa pagatatatg… Continue reading Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ilang bansa sa pagtatatag ng oncology clinics, welcome development — House Speaker

Philippine Army, magpapakitang-gilas sa ASEAN Armies Rifle Meet sa Thailand

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang send-off ceremony para sa mga miyembro ng Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) na lalahok sa 31st Association of South East Asian Nations (ASEAN) Armies Rifle Meet (AARM) 2023 na inorganisa ng Thai Army. Isinagawa ang seremonya sa Hheadquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig… Continue reading Philippine Army, magpapakitang-gilas sa ASEAN Armies Rifle Meet sa Thailand

65% ng PUV units, nakapag-consolidate na — LTFRB

Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umabot na sa 65% ang mga Public utility Vehicle (PUV) units sa bansa na nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program. Katumbas na ito ng kabuuang 129,568 consolidated units ng PUJs, UV Express, Mini Bus, at mga bus. Ayon sa LTFRB, mayroon na lamang… Continue reading 65% ng PUV units, nakapag-consolidate na — LTFRB

‘Clearly marked vehicles’, bawal nang dumaan sa EDSA Busway; mga exempted sa pagdaan dito, nilinaw ng MMDA

Simula sa Lunes, Nobyembre 20, maghihigpit pa lalo ang MMDA ng panghuhuli sa mga hindi awtorisadong sasakyan na daraan sa EDSA busway. Sa pulong balitaan sa Pasig City ngayong araw, sinabi ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, bawal na ring dumaan sa busway ang clearly marked government vehicles at mga red plated government vehicles.… Continue reading ‘Clearly marked vehicles’, bawal nang dumaan sa EDSA Busway; mga exempted sa pagdaan dito, nilinaw ng MMDA