Phivolcs, ibinaba sa magnitude 6.8 ang lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental

Ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 6.8 ang malakas na lindol na tumama sa Sarangani Island, Davao Occidental kaninang alas-4:14 ng hapon. Natunton ang epicenter ng lindol 34 kilometers Northwest ng Sarangani Island. Ito ay may lalim na 72 kilometers. Narito naman ang pahayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol kaugnay sa dahilan ng pagbaba sa magnitude… Continue reading Phivolcs, ibinaba sa magnitude 6.8 ang lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental

PNP, inaming tumaas ang bilang ng homicide cases ngayong taon; pambansang pulisya, nangakong reresolbahin agad ang problemang ito

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na sampal sa kanilang mukha ang tumataas na bilang ng patayan sa bansa. Sa plenary deliberation ng Senado sa panukalang 2024 budget ng PNP, ipinahayag ng mga senador ang pagkabahala nila sa sunod-sunod na napapaulat na kaso ng patayan, lalo na ang mga nagiging viral sa social media. Ibinahagi… Continue reading PNP, inaming tumaas ang bilang ng homicide cases ngayong taon; pambansang pulisya, nangakong reresolbahin agad ang problemang ito

Ika-walong batch ng OFWs na lumikas sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang ika-walong batch ng mga overseas Filipino worker na lumikas mula Israel. Ito ay dahil sa nagpapatuloy na gulo roon matapos na sumalakay ang militanteng grupong Hamas. Ayon sa Department of Migrant Workers, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Etihad Airways flight EY 424 eksakto alas-3:00 ngayong hapon.… Continue reading Ika-walong batch ng OFWs na lumikas sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Assessment sa mga istruktura sa General Santos City, isinasagawa matapos ang malakas na lindol kaninang hapon

Dahil sa intensity VIII na lindol na naranasan kaninang alas-4:14 ng hapon sa General Santos City, ang lahat doon ay inabisuhang usisain ang palibot para sa kanilang kaligtasan at maging alerto sa posibleng aftershocks. Inabisuhan din ang lahat sa GenSan na sinuspinde ang mga trabaho sa city government habang isinasagawa ang assessments sa iba’t ibang… Continue reading Assessment sa mga istruktura sa General Santos City, isinasagawa matapos ang malakas na lindol kaninang hapon

Dating Sen. Leila de Lima, malayang makipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon ayon kay SolGen Guevarra

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na malaya si dating Senadora Leila de Lima na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng gagawin nitong imbestigasyon tungkol sa ipinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon. Sa panayam kay Guevarra sa Senado matapos isara ang debate tungkol sa kanilang 2024 budget, sinabi nitong dahil isa… Continue reading Dating Sen. Leila de Lima, malayang makipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon ayon kay SolGen Guevarra

Aksyon na maaaring gawin ng pamahalaan kaugnay sa pagkakaroon ng Philippine passport ng ilang dayuhan sa bansa, ipinanawagan ng isang senador sa OSG

Mabilis na natapos ang deliberasyon para sa panukalang 2024 budget ng Office of the Solicitor General (OSG). Sa naging interpellation ni Senate Minorty Leader Koko Pimentel, nanawagan ang senador kay Solicitor General Menardo Guevarra na pag-aralan kung ano ang maaaring gawin ng pamahalaan kaugnay ng pagkakaroon ng Philippine passport ng ilang mga dayuhan sa bansa.… Continue reading Aksyon na maaaring gawin ng pamahalaan kaugnay sa pagkakaroon ng Philippine passport ng ilang dayuhan sa bansa, ipinanawagan ng isang senador sa OSG

Mga konsumer, makikinabang sa pagbawas sa panukalang taunang kita ng NGCP ayon kay Sen. Gatchalian

Inaasahan ni Senador Sherwin Gatchalian na makikinabang ang mga power consumer sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na bawasan ang taunang kita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at itakda ito sa P36.7-billion. Mas mababa ito sa maximum allowable revenue na P43.789-billion na nakolekta ng NGCP sa mga konsumer taon-taon mula 2016… Continue reading Mga konsumer, makikinabang sa pagbawas sa panukalang taunang kita ng NGCP ayon kay Sen. Gatchalian

Lungsod ng Iligan, ramdam ang lindol na ang epicenter ay mula sa Sarangani

Ramdam ang magnitude 6.8 na lindol sa lungsod ng Iligan kaninang bandang alas-4:14 ng hapon. Ang epicenter ng lindol ay mula sa Sarangani, Davao Occidental. Naglabas naman ng advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) na walang anumang banta ng tsunami sa kabila ng nangyaring pagyanig. | ulat ni Sharif Habib Majid |… Continue reading Lungsod ng Iligan, ramdam ang lindol na ang epicenter ay mula sa Sarangani

Pangulong Marcos Jr., pinuri ang Estados Unidos sa aniya’y magaling na chairmanship nito sa APEC 2023

Excellent. Ganito inilrawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging paghawak ng Estados Unidos bilang Chairperson, ngayong taon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ meeting. Ayon sa Chief Executive, kapuri-puri ang pangangasiwa ng US sa APEC summit kung saan ay nabuksan ang mahahalagang talakayan. Ang mga talakayang nabuksan sa APEC sabi ng Punong Ehekutibo… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinuri ang Estados Unidos sa aniya’y magaling na chairmanship nito sa APEC 2023

US Sec. of State Anthony Blinken, kinilala si Pangulong Marcos Jr. sa pagsisikap nitong mabawasan ang greenhouse gas emissions at mapataas ang produksiyon ng clean energy sa Pilipinas

Kinilala ni US Secretary of State Anthony Blinken ang mga ginagawang aksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makaambag sa pagbawas ng greenhouse gas emissions ng 75 porsiyento pagdating ng 2030. Sa ginawang signing ng Philippines-United States Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang 123 Agreement, inihayag ni Blinken na… Continue reading US Sec. of State Anthony Blinken, kinilala si Pangulong Marcos Jr. sa pagsisikap nitong mabawasan ang greenhouse gas emissions at mapataas ang produksiyon ng clean energy sa Pilipinas