All set na ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa idaraos nitong 2023 Ease of Doing Business Convention ngayong linggo.
Pangungunahan mismo ni ARTA Director General Secretary Ernesto Perez ang malawakang convention na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City mula November 29-December 1.
Ayon sa ARTA, magsisilbing plataporma ang EODB Convention para maibida ang iba’t ibang
streamlining at digital solutions na iniaalok ng government agencies para mapabuti ang kanilang mga serbisyo.
Kasama sa inaasahang dadalo rito ang iba’t ibang stakeholders kabilang ang government officials at policymakers, business leaders and entrepreneurs, technology experts at innovators, academics at researchers, at mga kinatawan mula sa international organizations, financial institutions, at investors.
Imbitado rin dito sina US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson, Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa, Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol, at Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon. | ulat ni Merry Ann Bastasa