LTFRB, nakapamahagi na ng higit isang bilyong fuel subsidy

Sumampa na sa higit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga puv operator at driver na benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP). Sa tala ng ahensya, as of November 17, nasa 166,597 na yunit ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap ng subsidiya. Ayon sa LTFRB, sa pag-iral… Continue reading LTFRB, nakapamahagi na ng higit isang bilyong fuel subsidy

41 motorsiklo, in-impound ng LTO sa pagsisimula ng ‘No Registration, No Travel’ policy

Aabot sa 41 motorcycle riders ang nasampolan ng Land Transportation Office (LTO) sa pagsisimula ng pinahigpit na implementasyon nito ng “No Registration, No Travel” policy. Ayon sa LTO, karamihan ng mga nahuling delinquent motor vehicles sa kanilang operasyon kahapon ay mula sa Metro Manila Ang mga nahuling driver ay inisyuhan ng citation tickets habang diretso… Continue reading 41 motorsiklo, in-impound ng LTO sa pagsisimula ng ‘No Registration, No Travel’ policy

Higit ₱12.5-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao

Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental. Ayon sa DSWD, aabot na sa higit ₱12.5-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa 73 apektadong barangays sa Davao Region at SOCCSKSARGEN. Kabilang rito ang family food packs at… Continue reading Higit ₱12.5-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao

Ilang jeepney driver sa Philcoa, balik-pasada na rin ngayong araw

Balik na sa pamamasada ngayong araw ang ilang jeepney driver sa Philcoa na hindi bumiyahe kahapon dahil sa transport strike. Ayon kay Mang George, pakikiramdaman niya ang sitwasyon sa kalsada ngayong ikalawang araw ng transport strike kung itutuloy na hanggang mamaya ang pasada o titigil. Dagdag pa nito, marami na rin sa kanyang mga kasamahan… Continue reading Ilang jeepney driver sa Philcoa, balik-pasada na rin ngayong araw

Pinakaunang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, mayroon nang state of the art equipment

Pinakaunang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RDDL) sa Barangay Taguibo, Butuan City, bunuksan ng Department of Agriculture o DA Caraga. Ayon kay Dr. Esther Cardeño, hepe ng Integrated laboratories ng DA – Caraga ang laboratoryo ay malaking tulong bilang pamamaraan upang maiwasan at makontrola  ang kahit anong disease outbreak sa rehiyon na posibleng dumapo sa… Continue reading Pinakaunang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, mayroon nang state of the art equipment

GenSan City solon, nanawagan para sa agarang pagsasabatas ng panukalang magtayo ng evacuation centers sa buong bansa matapos tamaan ng lindol ang Mindanao

Umaasa si General Santos City lone district Representative Loreto Acharon na tuluyan nang maisabatas ang panukala para magtayo ng evacuation centers sa buong bansa. Kasunod ito ng pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao noong November 17. Batay sa PHIVOLCS naitala ang Intensity 8 o lakas ng pagyanig sa General Santos City at… Continue reading GenSan City solon, nanawagan para sa agarang pagsasabatas ng panukalang magtayo ng evacuation centers sa buong bansa matapos tamaan ng lindol ang Mindanao

DND, isinusulong na ‘wag nang imandato ang mga bagong pasok sa militar na mag-contribute para sa kanilang pensyon

Para kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, hindi na dapat isali ang mga new entrants o bagong pasok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinapanukalang mandatory contribution ng mga military and uniformed personnel (MUP). Ang posisyong ito ni Teodoro ay ibinahagi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa naging interpellation… Continue reading DND, isinusulong na ‘wag nang imandato ang mga bagong pasok sa militar na mag-contribute para sa kanilang pensyon

DOTr, nananatiling bukas para sa isang tapat na pag-uusap sa mga transport group kaugnay ng PUV Modernization

Hindi isinasara ng Department of Transportation (DOTr) ang linya ng komunikasyon nito para sa isang tapat na diyalogo sa mga grupong pangtransportasyon. Ito’y kasunod na rin ng ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON na balak pang sundan ng grupong MANIBELA bilang pagtutol sa ipatutupad na deadline para sa franchise consolidation application na bahagi ng modernisasyon sa… Continue reading DOTr, nananatiling bukas para sa isang tapat na pag-uusap sa mga transport group kaugnay ng PUV Modernization

Philippine Army Shooting Contingent, sumabak sa ASEAN Shooting Competition sa Thailand

Sumabak ang Philippine Army Shooting Contingent (PASCON) sa 31st Association of Southeast Asian Nations Armies Rifle Meet (AARM) sa Infantry Training Center, Fort Thanarat, Pran Buri District, Prachuap Khiri Khan, Thailand. Ang Opening Ceremony kahapon ay dinaluhan ni Philippine Army Vice Commander Brigadier General Leodevic Guinid kasama ang mga miymebro ng PASCON. Binati ni Brig.… Continue reading Philippine Army Shooting Contingent, sumabak sa ASEAN Shooting Competition sa Thailand

Kaso ng karahasan sa isang kolehiyala sa Tuguegarao, pinatututukan na ni DILG Sec. Abalos

Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang masusing imbestigasyon sa nangyaring pamamaril at pambubugbog sa isang babaeng estudyante sa Saint Paul University sa Tuguegarao, Cagayan, noong November 13 na naging viral sa social media. Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na hindi nito papayagan ang anumang uri… Continue reading Kaso ng karahasan sa isang kolehiyala sa Tuguegarao, pinatututukan na ni DILG Sec. Abalos