Pilipinas, nakatakdang tumanggap ng standby credit line mula sa World Bank na magagamit tuwing may kalamidad, health emergencies

Nakatakdang makatanggap ang Pilipinas ng standby credit line mula sa World Bank para sa disaster response at pagtugon sa climate threats. Ito ay nagkakahalaga ng $500-million US dollars na Development Policy Loan para sa bansa. Sa ilalim ng International Bank for Reconstruction and Development (IBRD), popondohan ng World Bank ang Philippines Disaster Risk Management and… Continue reading Pilipinas, nakatakdang tumanggap ng standby credit line mula sa World Bank na magagamit tuwing may kalamidad, health emergencies

Karagdagang pondo na inaprubahan ng DBM para sa AICS Program, welcome sa DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa karagdagang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ito matapos na ianunsyo ni DBM Sec. Amenah F. Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa P3-B additional funding ng… Continue reading Karagdagang pondo na inaprubahan ng DBM para sa AICS Program, welcome sa DSWD

House panel inaprubahan ang Substitute Bill para paghusayin ang coffee industry ng bansa

Inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food and  Agriculture ang Substitute Bill na naglalayong itatag ang pambansang  programa para sa development ng Philippine Coffee Industry. Layon din ng batas na bumuo ng coffee council at mapondohan ang kinakailangan para sa naturang hakbang. Ayon kay Committee Chair at Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga ang panukalang… Continue reading House panel inaprubahan ang Substitute Bill para paghusayin ang coffee industry ng bansa

DOTr, iginiit na consolidation lamang at hindi phaseout sa mga tradisyunal na jeepney ang itinakda nilang December 31 deadline

Muling tiniyak ng Department of Transportation o DOTr sa mga transport group na wala silang dapat ikatakot dahil wala namang mangyayaring phaseout sa mga tradisyunal na jeepney. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang igiit nito na consolidation lamang at hindi phaseout ang itinakda nilang December 31 deadline. Una rito, sinabi ni Bautista… Continue reading DOTr, iginiit na consolidation lamang at hindi phaseout sa mga tradisyunal na jeepney ang itinakda nilang December 31 deadline

Karagdagang libreng sakay bus, idineploy pa rin ng QC LGU sa gitna ng transport strike ng MANIBELA

Nananatiling nakahanda ang Quezon City local government na tumugon sakaling may mga pasaherong maapektuhan ng transport strike ng grupong MANIBELA simula ngayong Miyerkules, November 22. Ayon sa QC LGU, bukod sa tuloy-tuloy na libreng sakay ng Quezon City Bus, ay patuloy ring ide-deploy ang karagdagang bus sa lahat ng ruta para maserbisyuhan ang mga posibleng… Continue reading Karagdagang libreng sakay bus, idineploy pa rin ng QC LGU sa gitna ng transport strike ng MANIBELA

Tingog Party List, mabilis na nagpadala ng tulong sa mga binahang residente ng Northern Samar

Agad umaksyon ang Tingog Party List, katuwang ang Office of the Speaker upang makapagpa abot ng emergency relief assistance sa libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha Northern Samar. Nalubong sa baha ang ilang komonidad sa baybayin ng probinsya bunsod ng walang tigil na pag ulan dulot ng low pressure area at shear line nitong… Continue reading Tingog Party List, mabilis na nagpadala ng tulong sa mga binahang residente ng Northern Samar

Pagsasagawa ng “catch-up fridays,” nakatakdang simulan ng DepEd sa susunod na taon

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na kanilang tututukang maigi ang paghubog sa mga mag-aaral upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa hinaharap. Kaya naman, ipatutupad ng DepEd ang pagsasagawa ng “catch-up fridays” sa lahat ng mga paaralan simula sa January 12 ng susunod na taon. Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, layon… Continue reading Pagsasagawa ng “catch-up fridays,” nakatakdang simulan ng DepEd sa susunod na taon

Mga ahensya ng gobyerno, kay Pres. Marcos Jr. pa rin susunod kaugnay ng ICC investigation — Sen. Dela Rosa

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pa rin susunod ang mga ahensya ng gobyerno kung papayagan ng bansa ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ito ang tugon ni Dela Rosa sa inihaing resolusyon sa Kamara na nananawagan sa mga… Continue reading Mga ahensya ng gobyerno, kay Pres. Marcos Jr. pa rin susunod kaugnay ng ICC investigation — Sen. Dela Rosa

Sen. Tolentino, pabor na ituloy pa rin ang Christmas convoy sa Ayungin Shoal

Naniniwala si Senador Francis Tolentino na walang masama kung itutuloy ang civilian-led Christmas convoy patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ang pahayag ay sa kabila ng babala ng National Security Council (NSC) sa implikasyon sa seguridad ng naturang aktibidad. Layon ng convoy na palakasin ang morale ng mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre… Continue reading Sen. Tolentino, pabor na ituloy pa rin ang Christmas convoy sa Ayungin Shoal

8 Overseas Filipino Workers mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang nakatakdang pag-uwi ngayong araw ng may walong Overseas Filipino Workers (OFWs) buhat sa Lebanon. Ito’y kasunod na rin ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Israeli forces at ng Lebanese militant group na Hezbollah na nakikisimpatiya sa grupong Hamas ng Palestine. Batay sa abiso ng DMW, alas-10… Continue reading 8 Overseas Filipino Workers mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw