Pasay City, suportado ang reclamation project sa Manila bay; isang milyong trabaho, inaasahang malilika

Suportado ng Pasay City government ang Manila Bay reclamation lalo at inaasahang makakalikha ito ng isang milyong trabaho at bilyong pondo para sa social services ng lungsod. Sa briefing ng House Committee on Ways and Means sinabi ni Pasay City Administrator Peter Manzano na malaki ang maibibigay na benepisyo ng Pasay Eco-City Coastal Development Projects.… Continue reading Pasay City, suportado ang reclamation project sa Manila bay; isang milyong trabaho, inaasahang malilika

SP Zubiri, nanawagan sa parliament members ng APPF na magkaisa para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri ng pagkakaisa para makamit ang kapayapaan sa Asia Pacific Region at sa iba pang bahagi ng mundo. Ito ang bahagi ng mensahe ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa ginawang inaugural ceremony ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) ngayong hapon. Pinunto ni Zubiri ang nangyayaring kaguluhan sa… Continue reading SP Zubiri, nanawagan sa parliament members ng APPF na magkaisa para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon

2024 national budget, target na maaprubahan sa December 10

Target ng Kongreso na malagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2024 national budget sa December 10. Sa pulong balitaan sa pagbubukas ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) ngayong araw, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nais nilang bago magtungo sa Japan si Pangulong Marcos para sa isang official… Continue reading 2024 national budget, target na maaprubahan sa December 10

Pagpapaigting ng mga hakbang para sa strategic priority na naka-angkla sa PDP, susi upang matamo ang mga target sa ilalim ng SDG — NEDA

Dapat paigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang nito partikular sa strategic priorities na naka-angkla sa Philippine Development Plan 2023-2028 upang matamo ang mga target nito sa ilalim ng Sustainable Development Goals. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority o NEDA Sec. Arsenio Balisacan nang magsalita ito sa United Nations Day Forum. Ayon kay… Continue reading Pagpapaigting ng mga hakbang para sa strategic priority na naka-angkla sa PDP, susi upang matamo ang mga target sa ilalim ng SDG — NEDA

Lisensya ng SUV driver na nanagi ng Angkas rider at pasahero nito sa Mandaluyong, sinuspinde ng LTO

Iniutos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagpapataw ng preventive suspension sa driver’s license ng SUV driver na nanagi sa isang angkas rider at sakay nito sa viral road rage video sa Mandaluyong. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng LTO-National Capital Region, nakarehistro sa isang bangko… Continue reading Lisensya ng SUV driver na nanagi ng Angkas rider at pasahero nito sa Mandaluyong, sinuspinde ng LTO

Isusumiteng official request ng HoR sa pamahalaan, magsisilbing basehan sa panghuhuli ng mga gumagamit ng plate number na 8

Hinihintay na lamang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang official request na magmumula sa Secretary General ng House of Representatives, kaugnay sa kanilang kampaniya laban sa mga gumagamit ng protocol plates o iyong plaka na otso ang numero. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MMDA Acting Chair Romando Artez na bagamat ang plate number… Continue reading Isusumiteng official request ng HoR sa pamahalaan, magsisilbing basehan sa panghuhuli ng mga gumagamit ng plate number na 8

Driver ng SUV na tampok sa viral road rage video sa Mandaluyong City, kinasuhan na

Kasong attempted murder ang isinampa ng mga awtoridad laban sa driver ng SUV na bumangga sa isang motorcycle taxi sa Mandaluyong City na ikinasugat ng driver at pasahero nito. Iyan ang kinumpirma ni Eastern Police District o EPD Director, P/BGen. Wilson Asueta matapos makumpleto ng Mandaluyong City Police Office ang kanilang pangangalap ng mga kaukulang… Continue reading Driver ng SUV na tampok sa viral road rage video sa Mandaluyong City, kinasuhan na

Mga biktima ng lindol sa Mindanao, tiyak na makatatanggap ng government assistance — Pangulong Marcos Jr.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga biktima ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na matatanggap nila ang lahat ng kinakailangang tulong mula sa pamahalaan. Sa pagtungo ng Pangulo sa GenSan ngayong araw (November 23), upang personal na alamin ang sitwasyon doon, sinabi ng Pangulo na naihanda na ng gobyerno ang… Continue reading Mga biktima ng lindol sa Mindanao, tiyak na makatatanggap ng government assistance — Pangulong Marcos Jr.

Delegasyon ng China sa APPF, kakausapin nina SP Zubiri at House Speaker Martin Romualdez

Pupulungin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang delegasyon ng China sa 31st Asia Pacific pParliamentary Forum (APPF). Ayon kay Zubiri, tatalakayin nila sa Chinese delegation ang apela ng Pilipinas na magkaroon ng code of conduct sa South China Sea. Layon nito na maiwasan ang mga insidente sa naturang teritoryo.… Continue reading Delegasyon ng China sa APPF, kakausapin nina SP Zubiri at House Speaker Martin Romualdez

Permamenteng pakikibahagi ng youth parliamentarians at pagkakaroon ng secretariat, isinusulong ng Pilipinas sa 31st APPF

Isinusulong ng Pilipinas sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum na maging permanenteng kabahagi ng pulong ang youth parliamentarians.. Isa ito sa mga resolusyong inihain ng Pilipinas sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Sa talumpati ni House Speaker Martin Romualdez sa inaugural ceremony ng APPF, binigyang diin nito ang mahalagang papel ng mga… Continue reading Permamenteng pakikibahagi ng youth parliamentarians at pagkakaroon ng secretariat, isinusulong ng Pilipinas sa 31st APPF