Mahigit 180k pamilya, apektado ng sama ng panahon sa mga nakalipas na araw

Umabot na sa 180,788 pamilya o katumbas ng 721,627 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon na dulot ng pinagsamang shear line at low pressure area sa ilang rehiyon sa bansa. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 904 mga barangay sa CALABARZON, Regions… Continue reading Mahigit 180k pamilya, apektado ng sama ng panahon sa mga nakalipas na araw

Pilipinas, nakakuha ng suporta sa miyembro ng APPF para sa kandidatura sa UN Security Council non-permanent seat

Malugod na ibinahagi ni Speaker Martin Romualdez na mabunga agad ang unang araw ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum o APPF na ginaganap ngayon sa Maynila. Aniya, sa kanilang working lunch kasama ang mga delegado, isang bansa ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council. Dahil dito,… Continue reading Pilipinas, nakakuha ng suporta sa miyembro ng APPF para sa kandidatura sa UN Security Council non-permanent seat

Phil. Army, nagpahayag ng pagkabahala sa House Bill 8269

Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Army sa isinusulong na House Bill 8269 o “An Act Protecting the Rights of Internally Displaced Persons (IDPs) and Penalizing the Acts of Arbitrary Internal Displacement” na nakapasa kamakailan sa 3rd and final reading sa Mababang Kapulungan. Sa kanyang pakikiharap sa mga mamahayag sa Phil. Army Headquarters kahapon, sinabi ni… Continue reading Phil. Army, nagpahayag ng pagkabahala sa House Bill 8269

VP Sara Duterte sa Kongreso: Igalang ang posisyon ni Pangulong Marcos Jr. hinggil sa pagpasok ng mga kinatawan mula sa ICC

Ipinaalala ni Vice President Sara Duterte sa Kamara de Representantes na igalang ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpasok ng mga kinatawan mula sa International Criminal Court o ICC. Ito’y para imbestigahan ang mga nasasawi sa panahong maigting na pinatutupad na kampanya kontra droga ng pamahalaan sa ilalim ng nakalipas na… Continue reading VP Sara Duterte sa Kongreso: Igalang ang posisyon ni Pangulong Marcos Jr. hinggil sa pagpasok ng mga kinatawan mula sa ICC

Socioeconomic interventions ng DSWD sa mga dating combatants at rebelde, 99% matagumpay ayon sa DSWD

Itinuturing ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan A. Tanjusay na 99% matagumpay ang mga inilalatag na socioeconomic interventions ng kagawaran para matulungan ang mga dating combatants at rebelde na makapagbagong buhay Sa DSWD Forum, inilatag ni Usec. Tanjusay ang ibat ibang programa ng ahensya sa mga sumusukong dating miyembro ng NPA-CPP,… Continue reading Socioeconomic interventions ng DSWD sa mga dating combatants at rebelde, 99% matagumpay ayon sa DSWD

Kaso ng Dengue, unti-unti nang bumababa — DOH

Iniulat ng Department of Health na unti-unti nang nagkakaroon ng pagbaba ng sakit na Dengue sa bansa simula noong nakaraang buwan. Ayon sa ahensya, naitala ang 10.96% na pagbaba o katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25 kumpara sa 12,619 ng October 1-14. Wala na ring rehiyon sa Pilipinas ang nakapagtala ng pagtaas… Continue reading Kaso ng Dengue, unti-unti nang bumababa — DOH

Phil Navy at ROK Navy, magtutulungan sa pagtataguyod ng rules-based international order sa karagatan

Napagkasunduan ng Philippine Navy at Republic of Korea (ROK) Navy na magtulungan sa pagtataguyod ng Rules-based international order sa karagatan. Ito’y sa pagpupulong ni Philippine Navy Flag Officer In Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr at Chief of Naval Operations of the ROK Navy, Admiral Yang Yong-Mo sa Jinhae Naval Base, Korea, nitong Martes. Sa… Continue reading Phil Navy at ROK Navy, magtutulungan sa pagtataguyod ng rules-based international order sa karagatan

Mga posibleng paglabag sa kalikasan ng Reclamation Project sa Dumaguete City, Negros Oriental, tinututukan na ng PRA

Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Reclamation Authority sa mga maaaring paglabag sa kalikasan ng kasalukuyang ginagawa na reclamation project sa Rizal Boulevard Dumaguete City, Negros Oriental. Ang nasabing proyekto na may lawak na 1. 7 hectares ay ang “Seawall for Shoreline Protection,” na inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City. Sa inisyal na pagsusuri… Continue reading Mga posibleng paglabag sa kalikasan ng Reclamation Project sa Dumaguete City, Negros Oriental, tinututukan na ng PRA

Kamara, nakasuporta sa Administrasyong Marcos Jr. para sa ligtas na pagpapauwi sa 17 Pinoy seafarers na hinostage sa Red Sea

Kaisa ang House of Representatives sa pagkondena sa sinapit ng labimpitong Filipino seaferers na hinostage ng Houthi rebels sa Red Sea. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nangangailangan ito ng agarang atensyon at pagtutok upang masiguro ang kapakanan ng ating mga kapwa Pilipino at ang kanilang ligtas na paglaya. “We, at the House of Representatives,… Continue reading Kamara, nakasuporta sa Administrasyong Marcos Jr. para sa ligtas na pagpapauwi sa 17 Pinoy seafarers na hinostage sa Red Sea

DSWD, naghatid na ng psychosocial intervention sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao

Bukod sa food packs at cash aid, nagpadala na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga social worker sa Mindanao para sa psychosocial intervention sa mga naging biktima ng tumamang magnitude 6.8 na lindol kamakailan. Ayon sa DSWD, bahagi ito ng Critical Incident and Stress Debriefing (CISD) program ng ahensya na… Continue reading DSWD, naghatid na ng psychosocial intervention sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao