BRP Conrado Yap at USS Gabrielle Giffords, nag-ehersisyo sa WPS

Nagsagawa ng passing exercise ang BRP Conrado Yap (PS39) ng Philippine Navy at USS Gabrielle Giffords (LCS10) ng US Navy sa West Philippine Sea (WPS) kahapon. Nagtagpo ang dalawang barkong pandigma sa kanlurang karagatan ng Lubang Island, at kinumpleto ang ehersisyo na layong subukan ang kanilang kapabilidad sa komunikasyon sa isang “real life scenario.” Bahagi… Continue reading BRP Conrado Yap at USS Gabrielle Giffords, nag-ehersisyo sa WPS

Partylist solons, umapela sa mga ahensya ng pamahalaan na iligtas ang 17 marinong na-hostage sa Red Sea

Mariing kinondena nina Kabayan Party-list Representative Ron Salo at OFW Partylist Representative Marissa Magsino ang pag-hijack ng Houthi rebels sa isang cargo ship sa Red Sea kung saan hostage din ang 17 na Filipino seafarers. Kapwa umapela ang mga mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare… Continue reading Partylist solons, umapela sa mga ahensya ng pamahalaan na iligtas ang 17 marinong na-hostage sa Red Sea

Pinsala ng magnitude 6.8 na lindol sa agri sector, umabot na sa ₱7-M — DA

Sumampa na sa ₱7.25-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng tumamang magnitude 6.8 na lindol sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA). Batay sa assessment report ng DA-DRRM Operations Center, aabot sa 81 ektarya ng agricultural areas ang tinamaan ng lindol kung saan mayorya ay naitala sa Soccsksargen. Kabilang sa mga apektado… Continue reading Pinsala ng magnitude 6.8 na lindol sa agri sector, umabot na sa ₱7-M — DA

DSWD, nakapaghatid na ng halos ₱34-M ayuda sa mga naapektuhan ng LPA at shear line

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng LPA at shear line. Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa halos ₱34-milyong pisong halaga ng ayuda ang naihatid sa 920 apektadong barangays sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas,… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng halos ₱34-M ayuda sa mga naapektuhan ng LPA at shear line

Mga produktong lokal ng Masbate, tampok sa trade fair sa Mainland Bicol

Opisyal na binuksan nitong Nobyembre 22 ang trade fair sa mainland Bicol kung saan tampok ang mga produktong lokal ng Masbate. Ang ‘Orawa san Masbate’ Trade Fair 2023 na matatagpuan sa Ayala Malls Legazpi City, Albay hanggang sa ika-26 ng Nobyembre. Pinangunahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) Masbate Provincial Office, sa pakikipagtulungan… Continue reading Mga produktong lokal ng Masbate, tampok sa trade fair sa Mainland Bicol

Ika-9 na batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel, nakatakdang magbalik-bansa ngayong araw

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong araw ang may 42 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng militanteng Hamas ng Palestine. Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers (DMW), lulan ang mga ito ng Etihad Airways Flight EY424 at nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal… Continue reading Ika-9 na batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel, nakatakdang magbalik-bansa ngayong araw

Driver ng SUV sa viral road rage video sa Mandaluyong City, nahaharap sa patong-patong na kaso

Hawak na ngayon ng Mandaluyong City Police Office ang driver ng SUV na tampok sa pinakabagong insidente ng road rage sa Mandaluyong City na nag-viral sa social media. Ito ang kinumpirma ng Eastern Police District (EPD) matapos matunton at arestuhin ng Pulisya ang SUV driver na nakilalang si Pedro Magalit. Ayon kay EPD Director, Police… Continue reading Driver ng SUV sa viral road rage video sa Mandaluyong City, nahaharap sa patong-patong na kaso

AFP Visayas Command, nagsagawa ng Humanitarian Assistance & Disaster Response ops sa Eastern at Northern Samar

Naglunsad ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) sa gitna ng pagbaha sa ilang lugar sa Eastern at Northern Samar.  Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, 28 HADR Teams ang idineploy para magsagawa ng pre-emptive evacuation, search and rescue, road-clearing operations, at… Continue reading AFP Visayas Command, nagsagawa ng Humanitarian Assistance & Disaster Response ops sa Eastern at Northern Samar

Mindanao Solon, nagpasalamat kay Act Teachers Party-list Rep. France Castro

Nagpahayag ng pakikiisa si Lanao del Sur Rep. Zia ALonto Adiong sa naging panawagan ni Deputy Minority Leader France Castro na magkaroon ng position ang Pilpinas sa nagaganap ngayong kaguluhan gitnang silangan. Nagpasalamat ito sa mga kapwa mambabatas sa kanilang pakikiisa sa kanyang panawagan na ceasefire sa Gaza. Sa privilege speech ni Congresswoman Castro, sinabi… Continue reading Mindanao Solon, nagpasalamat kay Act Teachers Party-list Rep. France Castro

Mga mag-aaral mula sa low-income households, dapat gawing prayoridad sa tulong pinansyal sa kolehiyo – Sen. Gatchalian

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na maging prayoridad ang mga mag-aaral na nasa low-income households o yung kabilang sa Listahanan 2.0 sa mga magiging benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931) o ang Free Higher Education law. Una nang napuna ni Gatchalian… Continue reading Mga mag-aaral mula sa low-income households, dapat gawing prayoridad sa tulong pinansyal sa kolehiyo – Sen. Gatchalian