PBBM, humingi ng suporta para sa sinisikap na pagwawakas ng matagal nang armadong pakikibaka ng komunistang grupo sa bansa

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na suportahan ang mapayapang resolusyon upang ganap nang mawakasan ang ilang dekadang communist insurgency. Sa pahayag ng Pangulo sa kanyang X (Twitter) account, sinabi ng Pangulo na nagkasundo na ang pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na muling ituloy ang nahintong peace… Continue reading PBBM, humingi ng suporta para sa sinisikap na pagwawakas ng matagal nang armadong pakikibaka ng komunistang grupo sa bansa

Nationwide gunban kaugnay ng BSKE 2023, magwawakas ngayong araw

Magtatapos ngayong araw ang Nationwide Gunban na ipinatupad kaugnay ng nakalipas na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections. Kaugnay nito, iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na umabot sa 2,631 ang naaresto dahil sa paglabag sa gunban simula nang ipatupad ito noong August 28 hanggang kahapon.… Continue reading Nationwide gunban kaugnay ng BSKE 2023, magwawakas ngayong araw

Halos 5 milyong int’l visitor arrivals sa Pilipinas, ibinida ng DOT

Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na nakapagtala ang Pilipinas ng 4.8 o halos 5 milyong international tourist arrivals bago matapos ang 2023. Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco sa kaniyang pagdalo sa 1st Philippine Golf Tourism Summit kahapon. Ayon kay Frasco, mula sa nasabing bilang, nasa 4.3 milyon o mahigi 91… Continue reading Halos 5 milyong int’l visitor arrivals sa Pilipinas, ibinida ng DOT

Inilunsad na Green Energy E-transport Program, suportado ng LTFRB

Suportado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inilunsad na Green Energy E-Transport Program (GEEP) ng kumpanyang Basic Energy Corporation (BEC). Sa inisyatibong ito, isinusulong ang pagbuo ng mga pampublikong sasakyan na ligtas, mabisa, at mabuti para sa kalikasan. Dumalo si LTFRB Chair Atty. Teofilo Guadiz III sa pulong kasama ang ilang kinatawan… Continue reading Inilunsad na Green Energy E-transport Program, suportado ng LTFRB

PNP, nagpaliwanag kung bakit ‘di pa rin nasisibak sa puwesto ang pulis na nagpaputok ng baril sa isang bar sa QC noong Linggo

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng inihaing apela ni Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong. Si Abong ang pulis na walang habas na nagpaputok ng baril, nanakit, at nagbanta pa sa waiter ng isang bar sa Quezon City noong Linggo, November 26. Ayon kay… Continue reading PNP, nagpaliwanag kung bakit ‘di pa rin nasisibak sa puwesto ang pulis na nagpaputok ng baril sa isang bar sa QC noong Linggo

Relief assistance, ipinagpatuloy na ipinamamahagi sa mga empleyado ng mall sa GenSan

Muling ipinagpapatuloy sa General Santos City ang pamamahagi ng relief assistance para sa mga empleyado ng malls na apektado sa magnitude 6.8 na lindol sa lungsod noong November 17, 2023. Sa kasalukuyan, mayroon nang 500 empleyado ng malls sa General Santos City ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD),… Continue reading Relief assistance, ipinagpatuloy na ipinamamahagi sa mga empleyado ng mall sa GenSan