3 baril ng police official na nagwala at nagpaputok ng baril sa restobar sa QC, pinakukumpiska na ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na kumpiskahin ang tatlong baril ni Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong.

Ginawa ni Abalos ang kautusan matapos kanselahin ng PNP Firearms and Explosives Office ang lisensya ng tatlong baril ng police official.

Inaresto si Abong nitong weekend matapos siyang magwala at magpaputok sa harap ng isang restobar sa Scout Rallos Street sa Quezon City.

Sinabi pa ni Abalos, na hindi karapat-dapat bigyan ng pribilehiyo na magmay-ari o magdala ng baril ang sinumang hindi mapagkakatiwalaan na humawak nito kahit pa siya ay isang alagad ng batas.

Binigyang-diin pa ng DILG Chief, na ang pagmamay-ari at pagdadala ng mga baril at bala ay hindi mga karapatan kung hindi mga pribilehiyong ipinagkaloob ng gobyerno.

Si Abong ay nahaharap ngayon sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Illegal Discharge of Firearm, Republic Act (RA) 10591, paglabag sa Omnibus Election Code, Physical Injury, Slander by Deed, at Disobedience upon an Agent of Person in Authority sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Bukod dito, may kinakaharap din siyang kasong kidnapping at serious illegal detention, at bukod sa iba pang kaso na kanyang kinakaharap. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us