3 pulis, arestado ng IMEG sa magkakahiwalay na operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang tatlong pulis matapos silbihan ng mga warrant sa magkakahiwalay na operasyon sa loob ng 24 oras.

Ayon kay IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon, inaresto si Patrolman Micheal Angelo Basa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa kasong ‘grave threat’ sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.

Sa hiwalay na operasyon, nahuli naman sa paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children Act si Police Master Sgt. Joey Cauilan sa Tuguegarao City, Cagayan matapos na ireklamo ng kanyang asawa.

Habang inaresto naman sa Quezon, Isabela, ang dating Police Corporal na si Marvin Jay Allam Pagulayan, dahil sa ‘estafa’.

Sa ngayon, nakaditene na ang mga suspek sa mga istasyon na nakahuli sa kanila.

Tiniyak naman ni De Leon na tuloy-tuloy ang IMEG sa paglilinis ng hanay ng kapulisan sa mga tiwali nitong miyembro lalo na at nakakasira sila sa imahe ng pambansang pulisya. | ulat ni Leo Sarne

📷: IMEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us