3 teroristang komunista, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumuko sa mga tropa ng 37th Infantry Battalion ang tatlong teroristang komunista, sa Barangay Lebak, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ang mga sumuko ay pinangunahan ni alyas Tata, commanding officer ng Dabu-Dabu Platoon, Revolutionary Hit Force, Far South Mindanao Region kasama ang dalawa niyang tauhan.

Kasabay nilang isinuko ang dalawang 5.56 Elisco M16A1 rifle at isang 7.62mm M14 rifle.

Sa initial debriefing, ibinunyag ng tatlong rebelde na nagpasya silang sumuko dahil sa hirap na dulot ng patuloy na operasyon ng militar at ang kawalan ng moral at pinansyal na suporta mula sa kanilang grupo.

Pinuri naman ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) commander Lieutenant General William Gonzales ang mga tropa sa panibagong accomplishment.

Ang pagsuko aniya ng mga nalalabi sa hanay ng kilusang komunista ay nagpapakita na epektibo ang pagsisikap ng militar sa tulong na rin ng ahensya ng gobyerno at iba’t ibang stakeholder. | ulat ni Leo Sarne

📷: WestMinCom

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us