Momentum sa PSE, napanatili kasunod ng naitalang 4.9 percent na October inflation

Napanatili ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang pagtaas ng momentum kasunod ng naitalang 4.9 percent na inflation rate. Tatlumpung kumpanya sa PSE ang nakakuha ng 53.29 point o .88 percent, kung saan nagsara ang stock market sa 6, 131.32. Sinabi ni China Bank Capital managing director Juan Paolo Colet, nagpapatuloy ang pagbawi ng stock index… Continue reading Momentum sa PSE, napanatili kasunod ng naitalang 4.9 percent na October inflation

Gobyerno, patuloy na tatalima sa atas ng Pangulo na magpatupad ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin – Sec. Diokno

Patuloy na magpapatupad ang gobyerno ng mga hakbang upang tugunan ang “non-competitive market behavior” upang matiyak na bababa ang food inflation. Ayon sa Department of Finance (DOF), kasabay ng iba’t ibang hakbang upang gawing affordable ang mga bilihin, susuportahan ang mga magsasaka at pangangalagaan ang kanilang vulnerability. Dodoblehin din ang efforts ng gobyerno para sa… Continue reading Gobyerno, patuloy na tatalima sa atas ng Pangulo na magpatupad ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin – Sec. Diokno

Digitalization, food security, at pagtugon sa Climate Change, ilan lang sa mga isusulong ni Pangulong Marcos Jr. sa APEC Summit sa susunod na linggo

Dadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Asia — Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, USA sa November 15, 16, at 17. “This year’s APEC theme aligns with the economic agenda of the administration of President Marcos Jr., the Philippine Development Plan and the administration’s 8-point socioeconomic agenda and visage an economic… Continue reading Digitalization, food security, at pagtugon sa Climate Change, ilan lang sa mga isusulong ni Pangulong Marcos Jr. sa APEC Summit sa susunod na linggo

hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Ariel Ignacio na hindi lahat ng mga overseas Filipino worker sa Israel ay gustong umuwi sa Pilipinas. Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pagkakasawi ng ilang OFW matapos na sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa noong nakaraang buwan. Ayon kay Ignacio, ang gulo sa pagitan ng… Continue reading hindi lahat ng mga OFW sa Israel ay nais umuwi sa Pilipinas – OWWA

Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Natanggap na ika-anim na batch ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na umuwi sa Pilipinas mula Israel ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Nasa 42 na mga OFW at isang batang babae ang kabilang sa umuwi sa bansa na naipit sa gulo sa Israel ngayong araw. Kabilang sa mga natanggap ng OFW… Continue reading Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Kapayapaan at katatagan ng Mindanao, naipakilala sa isang inisyatiba ng DOT

Sa inisyatiba na pinangunahan ng Department of Tourism (DOT) ay matagumpay na naipakilala ng Indonesian Travel and Trade Familiarization Tour ang Mindanao at ang Pilipinas, sa pangkalahatan, bilang matatag at nakakabighani na travel destination. Ang tour kamakailan ay nagha- highlight sa kaligtasan ng Mindanao, partikular ng Davao. Ang makapagpigil-hiningang kagandahan ng mga landscape na may… Continue reading Kapayapaan at katatagan ng Mindanao, naipakilala sa isang inisyatiba ng DOT

Sen. Angara, pinapanukalang ideklara bilang special national working holiday ang paggunita sa pagdating ng Islam sa Pilipinas

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagdedeklara sa November 7 ng kada taon bilang isang special working holiday bilang paggunita sa pagpapatayo ng unang mosque at pagpapalaganap ng Islam sa Pilipinas. Sa paghahain ng Senate Bill 1616, binigyang diin ni Angara ang pangangailangan na kilalanin ang malaking kontribusyon ng Islamic faith sa kultura at sibilisasyon… Continue reading Sen. Angara, pinapanukalang ideklara bilang special national working holiday ang paggunita sa pagdating ng Islam sa Pilipinas

MMDA at PCG, lumagda sa kasunduan para mas mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) para mas mapabuti ang serbisyo ng Pasig River Ferry. Nilagdaan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at ilang opisyal ng dalawang ahensya ang Memorandum of Agreement ngayong araw. Sa ilalim ng… Continue reading MMDA at PCG, lumagda sa kasunduan para mas mapaganda ang serbisyo ng Pasig River Ferry

Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-2:49 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Etihad Airways ang Flight EY 425. Sakay nito ang 42 na mga overseas Filipino worker at isang batang babae na naipit sa gulo sa Israel. Sinalubong sila ng ilang senior officials ng pamahalaan. Dumiretso ang mga OFW sa VIP Lounge ng NAIA… Continue reading Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

News article na nagdedetalye ng mga diumano’y napag-usapan sa caucus o executive meeting ng mga senador kahapon, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng mga senador sa Senate Committee on Ethics ang diumano’y lumabas na impormasyon tungkol sa kanilang naging caucus kahapon tungkol sa panukalang 2024 budget. Sa sesyon ngayong hapon, tinukoy ni Senador Jinggoy Estrada ang lumabas na artikulo sa isang news website na nagpapangalan ng siyam na senador na diumano’y pabor na ibalik ang confidential… Continue reading News article na nagdedetalye ng mga diumano’y napag-usapan sa caucus o executive meeting ng mga senador kahapon, pinaiimbestigahan