Ika-10 batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-6:14 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang Philippine Airlines Flight PR731. Sakay nito ang 36 mga overseas Filipino worker (OFW) na lumikas sa Israel, dahil sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas. Sa bilang na ito 32 ang caregivers at apat ang hotel workers. Nauna… Continue reading Ika-10 batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Ika-5 Super Health Center sa Malabon City, itatayo sa Brgy. Hulong Duhat

Isinagawa ngayong araw ang groundbreaking ng ika-limang Super Health Center sa Malabon City.  Layon ng naturang proyekto na ilapit sa mga residente ang kalidad at murang serbisyong medikal.  Pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeanie Sandoval at Senator Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ceremony sa Barangay Hulong Duhat.  Ayon kay Sandoval, sa unang apat na Super… Continue reading Ika-5 Super Health Center sa Malabon City, itatayo sa Brgy. Hulong Duhat

Pagpapalakas ng iba’t ibang partnership, susi sa pagpapaunlad ng monitoring and evaluation sector — NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mas mapapaunlad ang Monitoring and Evaluation sector sa bansa kung mas mapapalakas rin ang mga ginagawang partnership ng pamahalaan.  Ito ang naging mensahe ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan sa ginanap na 10th M&E Network Forum, na dinaluhan ng mga monitoring and evaluation practitioner sa pribado… Continue reading Pagpapalakas ng iba’t ibang partnership, susi sa pagpapaunlad ng monitoring and evaluation sector — NEDA

Bersyon ng senado ng panukalang amyenda sa pension fund system ng mga MUP, naikonsulta sa economic team at unipormadong hanay

Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nakonsulta ang economic team ng administrasyon sa inilabas na bersyon ng Senate Committee on National Defense ng panukalang amyenda sa military and uniformed personnel (MUP) pension system. Ayon kay dela Rosa, katanggap-tanggap naman ang bersyon na ito na nilabas ng komiteng pinamumunuan ni Senador Jinggoy Estrada. Para… Continue reading Bersyon ng senado ng panukalang amyenda sa pension fund system ng mga MUP, naikonsulta sa economic team at unipormadong hanay

Bicam panel, pinag-aaralan ang pagbabalik ng confidential fund ng DICT sa ilalim ng 2024 national budget

Kinokonsidera ng bicameral conference committee panel para sa 2024 General Appropriations Bill (GAB) na ibalik ang confidential fund ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng binubuo nilang 2024 national budget. Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperon Sonny Angara, nakikita nila ang kahalagahan ng confidential fund ng DICT dahil sa dumaraming… Continue reading Bicam panel, pinag-aaralan ang pagbabalik ng confidential fund ng DICT sa ilalim ng 2024 national budget

Panukalang amyenda sa pension system ng MUPs, ipre-presenta na sa plenaryo ng Senado

Nakatakda nang i-endorso sa plenaryo ng Senado ang report ng Senate Committee on National Defense tungkol sa panukalang amyenda sa pension system ng mga Military and Uniformed personnel (MUP). Sa ilalim ng committee report 173 para sa Senate Bill 2501, imamandato ang new entrants o bagong pasok sa serbisyo na magbayad ng mandatory contribution para… Continue reading Panukalang amyenda sa pension system ng MUPs, ipre-presenta na sa plenaryo ng Senado

Habang buhay na tulong mula sa Israel gov’t, ipinangako ng Israel ambassador to PH sa pamilyang naulila ng 4 na Pilipinong nasawi sa pag-atake ng Hamas

Nangako si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na makakatangap ng habang buhay na tulong pinansyal ang pamilya ng apat na Pinoy na nasawi sa giyera at pag-atake ng grupong Hamas. P100,000 buwanang tulong pinansyal ang matatanggap ng nauililang pamilya nila Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, at Paul Castelvi. Nakadepende naman ang halagang… Continue reading Habang buhay na tulong mula sa Israel gov’t, ipinangako ng Israel ambassador to PH sa pamilyang naulila ng 4 na Pilipinong nasawi sa pag-atake ng Hamas

Deklarasyon ng National Bike to Work day, pinuri ng isang partylist solon

Pinuri ni CIBAC Party-List Representative at House Committee on Sustainable Development Goals (SDG) Chairperson Bro. Eddie Villanueva ang proklamasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagdedeklara sa huling working day ng Nobyembre ng kada taon bilang National Bike-to-Work. Aniya maliban sa makakabawas sa trapiko, makatutulong din aniya ito sa kalikasan at maisusulong ang pangangalaga… Continue reading Deklarasyon ng National Bike to Work day, pinuri ng isang partylist solon

Senado, titiyaking tutugunan ng binubuong 2024 budget ang posibleng epekto sa Pilipinas ng nangyayaring gulo sa ibang bahagi ng mundo

Sinimulan na ang Bicameral Conference Committee meeting para mapagkasundo ang bersyon ng Kamara at Senado ng panukalang 2024 national budget. Sa pahayag ni Senate Committee on Finance Sen. Sonny Angara sa pagbubukas ng bicam meeting, sinabi ng senador na sa pagbuo ng Kongreso ng magiging pinal na bersyon ng 2024 budget ay titiyakin nilang matutugunan… Continue reading Senado, titiyaking tutugunan ng binubuong 2024 budget ang posibleng epekto sa Pilipinas ng nangyayaring gulo sa ibang bahagi ng mundo

Modernization program, ilulunsad ng DA upang mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na maglulunsad ito ng modernization program sa sektor ng agricultura. Ito ay kasunod ng pagbisita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Philippine Rice Research Institute sa Nueva Ecija. Ayon kay Laurel, nakatuon ang ahensya na mapataas ang produksyon ng bigas at mapababa ang post-harvest losses sa pamamagitan… Continue reading Modernization program, ilulunsad ng DA upang mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa