4 patay sa bangaan ng kotse at trak sa Olongapo kagabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang apat na sakay ng isang kotse nang sumalpok sa kanilang sasakyan isang dumptruck sa Barangay New Cabalan, Olongapo City kagabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Renz Tiu; na driver ng kotse, Veronica Ng; Romnick Tiu; at isang alyas Balong.

Base sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana ng Bataan ang dump truck nang mawalan ito ng preno sa kurbadong bahagi ng National Highway.

Dahil dito, umabot sa opposite lane ang dumptruck at nabangga ang kasalubong na kotse, na napailalim sa sobrang lakas ng impact.

Dinala pa sa James Gordon Memorial Hospital ang mga biktima pero dineklara na silang “Dead on arrival.”

Samantala, ligtas naman ang driver ng dumptruck, na nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis at mahaharap sa kasong kriminal. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us