8 OFWs mula sa Lebanon, nakauwi na sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Qatar Airways flight QR928 sakay ang may 8 Overseas Filipino Worker (OFW) buhat sa Doha.

Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW).

Batay naman sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), alas-10:01 ngayong gabi nang lumapag ang naturang eroplano.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng DMW sa pangunguna ni Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac, Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dito, isasalang sila sa debriefing at bibigyan din sila ng pagkain bago ihatid sa kani-kanilang mga uuwiang lugar.

Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW na umuwi sa bansa matapos maipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng militanteng Hezbollah.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us