Abo ng OFW na nasawi sa gulo sa Israel na si Grace Prodigo Cabrera, dinala na sa Apalit, Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala na sa Apalit, Pampanga ang abo ng overseas Filipino worker na si Grace Prodigo Cabrera.

Kabilang si Grace, 42 taong gulang, isang caregiver sa apat na mga Pilipinong nasawi sa Israel noong October 7 matapos na umatake ang militanteng grupong Hamas sa Kibbutz Be’eri.

Kasamang napaslang ng Hamas ang pasyente ni Grace na 96 taong gulang.

Kanina, sinalubong ng mga kaanak ang abo ni Grace sa NAIA Terminal 3 na dala ng kaniyang kapatid na si Mary June Prodigo na kabilang sa mga na-repatriate na mga Pilipino mula sa Israel ngayong araw.

Bumuhos ang luha ng mga kaanak nito nang makita ang urn ni Grace.

Kasama ring sumalubong ang ilang senior officials ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pati na si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.

Nagpaabot din si Fluss ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi OFW at nangakong patuloy na magbibigay ng tulong sa mga apektadong OFW. Gayundin, ang tulong ng DMW at OWWA pati na ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Bukas naman nakatakdang dumating sa bansa ang ika-anim na batch ng mga OFW na naipit sa gulo sa Israel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us