AFP Gender and Development Office, nagdiwang ng unang anibersaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. General Arthur M. Cordura ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng AFP Gender and Development Office (AFPGADO) ngayong umaga sa Camp Aguinaldo.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Lt. Gen. Cordura ang lahat ng tauhan ng AFP na maging kampeon ng Gender and Development (GAD).

Kasabay nito, inihayag ni Lt. Gen. Cordura ang buong suporta ng militar sa mga adbokasiya ng GADO sa pamumuno ng kanilang unang Chief, na si Col Arlene Fragé.

Iprinisinta naman ni Col. Fragé kay Lt. Gen. Cordura ang kopya ng Post-Conference CY 2023 Evaluation Handbook, na naglalaman ng accomplishments ng AFPGADO sa loob ng nakalipas na taon.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, ang pag-bendisyon sa bagong tanggapan ng GADO. | ulat ni Leo Sarne

📷 PFC Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us