AFP, nagpasalamat sa Japan para sa P235.5- M grant na coastal radar system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines sa paglalaan ng Japan ng P235.50 million grant para sa coastal radar system.

Ang donasyon na ipagkakaloob sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) program ng Japan ay napagkasunduan sa pagpupulong ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishada sa Malacañang noong Biyernes.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang mga coastal radar ay malaking tulong sa pagpapalakas ng maritime domain awareness capability ng militar.

Sa pamamagitan aniya ng mga radar ay mas epektibong masusubaybayan ang paggalaw ng anumang sasakyang-dagat sa malawak na baybayin ng Pilipinas.

Ayon kay Col Trinidad, ang naturang tulong ay manipestasyon ng matatag na partnership ng Pilipinas at Japan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us