Aftershocks kasunod ng 6.8 magnitude na Davao Occidental quake, umabot na sa 126 — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa ring nakararanas ng mga pagyanig o aftershocks ang ilang lalawigan sa Mindanao kasunod ng tumamang 6.8 magnitude Davao Occidental quake nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, as of 10am ay umakyat na sa 126 ang naitalang aftershocks.

Mula rito, 80 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang nasa 7 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 4.9

Kaugnay nito, sumampa na rin sa higit 16,000 pamilya o 81,664 indibidwal ang naitala nang apektado ng malakas na lindol mula sa Region 11 at 12. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us