Bagong talagang DA Sec. Laruel Jr., nanguna sa flag raising ceremony ng DA Central Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ngayong umaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang flag-raising ceremony sa Central Office ng kanyang bagong tanggapan sa Elliptical Road, Quezon City.

Ito ang unang beses na humarap ang kalihim sa mga kawani ng Department of Agriculture mula nang maitalaga ni Pangulong Marcos noong Biyernes.

Kasama ng kalihim sa kanyang unang flagraising ceremony ang iba pang opisyal ng DA kabilang sina Senior Undersecretary Domingo Panganiban, Undersecretary Leo Sebastian, Assistant Secretary James Layug, at Assistant Secretary Rex Estoperez.

Kasama rin ni Sec. Laurel si 1st District Representative Tonypet Albano na siyang sponsor ng budget ng kagawaran sa Kamara.

Matapos ang seremonya, nagkaroon din ng maikling talumpati si Sec. Laurel kung saan nito sinabing handa na siyang makipagtulungan sa mga kawani ng ahensya.

Una nang sinabi ni Sec. Laurel na umaasa ito sa buong kooperasyon ng mga kawani ng DA tungo sa layuning maisulong ang modernisasyon at maiangat ang lokal na produksyon sa agriculture sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us