Bangsamoro Region, magsasagawa ng libreng legal consultation at counseling ng mga kababaihan sa Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandan na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nalalapit na pagdaraos ng 18-day campaign to End Violence against Women mula sa ika-25 ng Nobyembre hanggang sa ika-12 ng Disyembre ngayong taon.

Ito ayon kay Gerardo Concepcion, community secretary on rules ng Bangsamoro Transition Authority sa BARMM at Gender and Development (GAD) focal point system sa pamamagitan ng pagsagawa ng libreng legal consultation at counseling ng mga kababaihan na may kinakaharap na iba’t ibang isyu.

Nakipag-ugnayan sila aniya sa barangay at LGU ng Bus-Bus, na may pinakamalaking populasyon sa bayan ng Jolo para sa pagpapatupad ng naturang programa sa ika-8 ng Disyembre 2023.

Subali’t nilinaw nito na bukas naman ito sa lahat ng mga kababaihan sa naturang bayan na nais idulog ang kanilang suliranin sa bubuoin isang grupo ng mga abogado na may 10 miyembro na handang makinig at tumugon sa kanilang hinaing.

Layon nito ani Concepcion ay upang makatulong sa mga kababaihan sa pagtugon sa kinakarap nilang mga isyu at matigil na ang anumang pananakit, pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng mga kababaihan. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us