Inaasahan ng pamunuan ng Himlayang Pilipino sa Quezon City ang mataas na bilang ng mga bibisita sa sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay Engr. Michael Abiog, Park Operations Manager, posibleng pumalo sa higit 50,000 ang magtungo sa Himlayang Pilipino para bisitahin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa bubay.
Paliwanag nito, kumpara noong nakaraang taon, mas maluwag na ngayon ang restriksyon sa loob ng sementeryo.
Maraming pamilya rin ang pinili nang magpalipas ng gabi sa Himlayang Pilipino lalo’t 24-oras na ang operasyon nito na tatagal hanggang ngayong All Saints Day.
Katuwang naman ng security personnel ng Himlayan ang mga tauhan ng Quezon City Traffic and Transport Management na tumutulong sa pagmamando ng trapiko partikular sa mga sasakyang papasok at palabas ng sementeryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa