Bilang ng napinsalang imprastruktura sa 6.8 magnitude sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, umakyat sa higit 800

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 826 ang bilang ng mga bahay na napinsala dahil sa 6.8 magnitude na lindol na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, Biyernes ng hapon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD Deputy Spokesperson Mark Timbal na ang mga bahay na napinsala na ito ay mula sa Saranggani, South Cotabato, Davao Occidental, at Davao Oriental.

Umakyat na rin sa 118 ang bilang ng imprastrukura o guasali ng pamahalaan na napinsala dahil sa lindol.

Kabilang na dito ang mga paaralan, ospital, kalsada, at tulay, mula pa rin sa mga napananggit na lugar.

Ayon sa opisyal, dahil sa off coast ng Saranggani ang sentro ng lindol, ang Saranggani rin ang nakaramdam ng pinakamatinding intensity ng tumamang lindol.

Ang pamahalaan aniya, binibilisan na ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong Pilipino, alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Pero in terms of lifelines, kahit naging malakas iyong paglindol doon sa Sarangani and some of the nearby areas, pansamantala lang naman na napatid ang serbisyo ng kuryente. In 21 areas, unang na-report na nagkaroon ng power interruption pero as early as Saturday and then Sunday and then ngayong Monday, fully restored na ang serbisyo ng kuryente.” —Timbal.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us