Bogus na lawyer, inaresto ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto na ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang nagpapanggap na abogado sa Bacoor City Cavite dahil sa kasong Estafa.

Kinilala ng NBI ang bogus na abogado na si Maria Jouielun Mendoza Catarbas.

Sa ulat ng NBI, inireklamo ng isang complainant si Catarbas na nagpakilalang si Atty. Mendoza, isang top caliber lawyer.

Kinolektahan umano ang complainant ng Php19,100,000 mula Marso hanggang Oktubre 2023 bilang legal fees para sa kanyang serbisyo.

Pagkatapos nito, humingi pa siya ng karagdagang Php5,000,000.00 bilang hindi pa nabayarang balanse sa kanyang legal services at assistance .

Inaresto ng NBI ang nagpapanggap na abogado sa isinagawang entrapment operation.

Sinampahan na ng kaso si Catarbas at iniharap na sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor, Cavite.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us