Bonifacio Monument Circle sa Caloocan City, isasara sa mga motorista upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Bonifacio Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista.

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara sa mga motorista ang Bonifacio Monument Circle sa Caloocan City.

Ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-160 Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Batay sa abiso, isasara ang naturang kalsada simula mamayang alas-11 ng gabi hanggang bukas ng alas-8 ng umaga.

Kabilang sa mga maaapektuhang kalsada ang:

– Kahabaan ng Samson Road sa magkabilang lane mula Lapu-Lapu street hanggang Bonifacio Monument       

  Circle

– Kahabaan ng Mc Arthur Hi-way sa magkabilang lane mula Calle Cuatro hanggang Bonifacio Monument

  Circle

– Kahabaan ng EDSA sa magkabilang lane mula General Simon hanggang Bonifacio Monument Circle

– At kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa magkabilang lane mula 10th Avenue hanggang Bonifacio

  Monument Circle

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Magde-deploy din ang MMDA ng mga traffic enforcer sa mga apektadong ruta upang tumulong sa pagmamando ng trapiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us