BuCor, pinasalamatan ang bayan ng Maigo sa donasyong lupa para sa pagtatayo ng regional penal farm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng Bureau of Corrections ang bayan ng Maigo, Lanao del Norte sa pagdo-donate ng siyam na hektaryang lupa upang pagtayuan ng regional penal farm ng BuCor.

Sa isinagawang MOA signing kasama si Maigo Municpal Mayor Rafael Rizalda kasama ang ilang stakeholders at si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang naturang bayan ay ipagkakaloob ang 9.6 hektarya ng lupain upang pagtayuan ng regional farm na bahagi ng regionalization program ng BuCor.

Ayon naman kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., isang malaking bagay ito upang mas mabilis nang maipatayo ang pasilidad at lumuwag na ang piitan sa naturang rehiyon.

Ayon naman kay Maigo Municpal Mayor Rafael Rizalda, suportado ng kanilang bayan ang mga programa ng BuCor upang magkaroon ng mas maraming regional penal farms ang pambansang piitan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us