CAAP, pinasinayaan ang bagong pasilidad sa General Santos City Airport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga bagong pasilidad sa General Santos City International Airport na makakadagdag sa kapasidad ng naturang paliparan.

Nadagdagan ng mga panibagong boarding bridges ang naturang paliparan at mas pinalawak pa ang boarding area na kaya nang mag-accommodate sa isang libong airline passengers at karagdagang food stalls upang mas makapang-akit pa ng airline companies na bumiyahe sa isa sa pinakamalaking airport sa Mindanao.

Personal na dumalo si Transportation Secretary Jaime Bautista at si CAAP Director General Manuel Tamayo sa naturang pagpapasinaya.

Ayon kay Secretary Bautista, isa ang GenSan International Airport sa malaking gateway patungong Mindanao dahil sa laki ng kapasidad nito lalo na’t may mga karagdagang pasilidad na ang nasabing paliparan.

Ayon naman kay CAAP Director General Manuel Tamayo, inaasahan nila na mdaragdagan na ang airline companies na bibyahe sa naturang paliparan at sa pag-expand ng GenSan International Airport ay may mga international flights na rin na lalapag sa runway nito. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us