Pormal nang ilulunsad mamayang ala-5 ng hapon ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) ang kanilang “Christmas Trains,” bilang paghahanda sa selebrasyon ng kapaskuhan.
Pangungunahan ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino ang pagsakay sa Christmas train sa northbound ng MRT-3 Ayala Station bandang alas-5 ng hapon.
Pagdating ni Aquino sa MRT-3 Cubao Station, lilipat naman siya sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Cubao Station Westbound, para ilunsad din ang Christmas train. | ulat ni Rey Ferrer