Congestion rate sa mga piitan, bahagya nang nabawasan – BJMP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bahagyang nabawasan ang congestion rate ng mga piitan sa bansa sa 351% ngayong taon.

Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, nagawa umano ito dahil sa iba’t ibang mga makabagong programa at pakikipagtulungan.

Noong 2018, umabot sa nakakabahalang 600% congestion rate ang mga pasilidad ng BJMP na nagdulot ng matinding hamon sa kagalingan at repormasyon ng mga PDL.

Sa ngayon, patuloy pa ang inisyatiba ng BJMP kabilang ang pagtatatag ng karagdagang jail facilities.

Pati na ang pagpapahusay sa PDL Welfare and Development Program at Jail Paralegal Programs, na tumutulong sa mga bilanggo para sa mabilis na disposition ng kanilang kaso.

Sa kabila nito, binigyang-diin pa ni Rivera ang patuloy na pagtugon sa jail congestion sa kabila ng pagsisikap ng kawanihan na mabawasan ito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us