Cyber Technology Expo, nagbukas sa Camp Aguinaldo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. General Arthur Cordura ang pagbubukas ng Command and Control, Communications, Cybersecurity, Intelligence, Surveillance, Target Acquisition and Reconnaissance (C4ISTAR) EXPO 2023 sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

Ang dalawang araw na exposition na inorganisa sa tulong ng Communications, Electronics and Information Systems Service, AFP (CEISSAFP) ay may temang “The AFP Enhancing its Digital Battlefield: Adapting to the Future of Warfare”.

Tampok sa expo ang mga lecture at exhibit na magsisilbing pagkakataon para makipag-ugnayan sa mga eksperto at matuklasan ang mga pinaka-bagong development sa cyber-domain.

Nagpasalamat si Lt. Gen. Cordura sa mga partner ng AFP mula sa pampubliko at pribadong sektor sa kanilang suporta upang mapalakas ang kapabilidad ng AFP sa modern at digital warfare.

Ayon kay Cordura, mahalaga ang cyber Technology sa pangangalaga ng pambansang seguridad upang manatiling “competitive” sa mabilis na nagbabagong global security environment. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us