DA Sec. Laurel, bubuo ng sariling intelligence group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na bumuo ng intelligence group sa Department of Agriculture.

Ayon sa kalihim, kasama sa naging direktiba sa kaniya ni Pangulong Marcos Jr. ang linisin kung may bahid man ng korapsyon sa kagawaran na matututukan aniya ng intelligence group.

Samantala, wala pa namang balak ang bagong kalihim na magpatupad ng balasahan sa ngayon sa ahensya.

Aniya, plano lamang nitong kumuha ng ilang mga eksperto na makokonsulta sa kung paano mapapaunlad ang sektor.

Handa aniya itong makipagtulungan muna sa mga kasalukuyang opisyal ng DA at saka nalang ia-assess ang kanilang performance.

Bukod dito, kasama pa sa tinalakay ng kalihim ang plano nitong ibalik ang Bureau of Agricultural Statistics upang maisaayos ang mga datos sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us