Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroon pang dalawang batch ng Overseas Filipino Workers ang inaasahang uuwi sa Pilipinas na naipit sa gulo sa Israel.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ang ikalimang batch ay inaasahang darating mamayang 3:15 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA-3) lulan ng Etihad Airways flight EY 424.
Ang ikalimang batch ay binubuo ng 22 mga OFW at isang sanggol, sa bilang na ito 19 ang caregivers at tatlo ang hotel workers.
Habang ang ika-anim na batch naman ay nakatakdang umuwi sa bansa bukas ng hapon, ito ay binubuo ng 42 mga OFW.
Sa kabuuan, nasa 184 na mga OFW na ang mapapauwi sa bansa mula sa Israel kapag dumating ang dalawang batch ng mga OFW ngayong linggo.
Inaasahan naman ng DMW na madaragdagan pa ang bilang na ito dahil sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel Defense Forces (IDF) at ng militanteng grupong Hamas. | ulat ni Diane Lear