Dalawa, patay; Dalawang iba pa, sugatan sa pagsabog sa Basilan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geo­graphical Unit (CAFGU) habang sugatan naman ang isa pa nilang kasama at isang sibilyan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Sumisip, Basilan kaninang alas 12:30 ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat mula sa Provincial Information Office ng Basilan, nagsasagawa ng military law enforcement operation ang mga biktima kaugnay ng diaumano’y presensya ng grupong Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamumuno ni Tawakkal Bayali sa Sitio Bato Piat, Barangay Limbocandis, sa naturang munisipalidad ngayong araw nang mangyari ang pagsabog.

Naniniwala ang mga awtoridad na ang grupo ng ASG ang nasa likod ng pag-atake.

Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa insidente habang nakuha na ng kanilang pamilya ang labi ng dalawang nasawing biktima at nagpapagaling naman sa ospital ang dalawang iba pa.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us