Naghahanda ngayon ang San Pedro Police Station sa ilalim ng Davao City Police Office para sa posibleng pagbisita nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte sa Roman Catholic Cemetery ngayong araw ng Undas 2023.
Sa panayam kay San Pedro Police Station Commander Maj. Marvin Hugos na may karagdagang kawani na itatalaga sa nasabing sementeryo para sa seguridad ng dangalawang pangulo at dating pangulo.
Sa nasabing sementeryo, nakahimlay ang mga magulang ni dating Pangulong Duterte na sina Davao Governor Vicente Duterte at Soledad Duterte kasama din ang mga yumaong kapatid nito.
Ayon kay Hugos na wala pang tiyak na oras kung kailan dadalaw ang mag-ama. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao