Iginagalang ni Davao City 3rd district Rep. Isidro Ungab ang naging desisyon ng House leadership na siya ay alisin bilang Deputy Speeaker.
Aniya, matagl na siyang na sa Kongreso at naiintindihan niya ang dynamics at interpersonal na relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng Kapulungan.
Aalis aniya siya sa posiyon na walang sama ng loob at may paniwala na nagampanan niya ng tama ang kaniyang mandato bilang deputy speaker.
“I accept the decision of the House Leadership to remove me from my position as Deputy Speaker. I have been in Congress long enough to understand the dynamics and interpersonal relations among its members…. I accept my fate without any rancor nor bitterness. I leave the deputy speakership’s position assured that I have performed my duties well, with the best intentions and great love for my country,” sabi ni Ungab.
Nagpasalamat din ito sa mga kasamahan na nag-ambag para sa aniyang makabuluhan niyang pagsisilbi bulang deputy speaker.
“I would like to thank all those who were instrumental in making my tenure as deputy speaker meaningful, memorable and worthwhile,” dagdag ni Ungab.
Pagsisiguro pa nito na nananatii ang kaniyang suporta sa administrasyon at patuloy na naniniwala sa mg programa ng pamahalaan gaya ng kaniyang pagsuporta noong panahon ng kampanya.
“Despite my removal, I remain supportive of this administration, believing in its program of government, as I have also helped in the campaign last year, in the belief that it can bring a better hope and future for the Filipino people,” sabi pa ng Davao solon.
Maliban kay Ungab ay pinalitan din bilang deputy speaker si dating. Pang.
Gloria Macapagal Arroyo matapos hindi lumagda sa House Resolution 1414, isang resolusyon ng pagtindig ng Kamara para sa dangal ng institusyon laban sa mga naninira at walang basehang kristisismo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes