DILG Sec. Abalos, itinutulak na magkaroon ng 3 linggong transition period para sa bagong halal na BSK officials

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Department of Interior ang Local Government na bigyan ng hanggang tatlong linggong transition period ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.

Salig ito sa Memorandum Circular 166 ng DILG.

Mas mahaba ito kumpara sa nais ng COMELEC na isang linggo.

Ayon kay DILG Sec. Benjamin Abalos, bagamat ang mga nanalong kandidato ay maaari nang maupo sa pwesto matapos iproklama at manumpa, ay kulang ang isang linggong turn-over period.

Kailangan kasi aniya ng tamang paglilipat ng financial record at properties.

Maliban dito, kailangan din magtalaga ng secretary at treasurer.

Isa pa sa paliwanag ng kalihim ay hindi pa maaaring pumirma agad ang mga bagong halal na opisyal para sa paglalabas ng pondo para sa pasahod at pambayad ng utilities. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us