Dismissal order sa pulis opisyal na nagpaputok sa labas ng restobar sa QC, agad ipatutupad ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na agad na ipatutupad ng PNP ang dismissal order para kay Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong, ang kontrobersyal na opisyal na nagpaputok ng baril sa harapan ng isang restobar sa QC.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na hinihinitay na lang nila ang opisyal na kopya ng kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), para ipatupad Ito.

Ito ay matapos ibasura ng DILG at National Police Commission (NAPOLCOM) ng apela ni Abong laban sa desisyon ng Quezon City Peoples Law Enforcement Board (PLEB), na ipatanggal siya sa serbisyo.

Kasunod nito, ipinag-utos ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang agarang pagsibak kay Abong, na aniya’y kahihiyan sa serbisyo.

Ayon kay Fajardo, ang “certificate of finality” ng desisyon ng DILG ang magiging basehan ng tuluyang pagtanggal sa serbisyo ni Abong. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us