Ikinatuwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapalaya sa overseas Filipino worker (OFW) sa Israel na si Gelienor “Jimmy” Pacheco, na kabilang sa mahigit 200 dinukot ng militanteng grupong Hamas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na lubos siyang nagagalak sa pagkakalaya ni Pacheco.
Si Pacheco ay limang taon na nagtrabaho sa Israel bilang isang caregiver.
Ayon kay Cacdac, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay bibigyan ng kalinga at tulong ang pamilya ng OFW dito sa Pilipinas habang nasa Gaza pa si Pacheco.
Dagdag pa ni Cacdac, na masayang-masaya rin ang asawa ni Pacheco sa balitang pinalaya na ito ng Hamas.
Nagpasamalat naman ang DMW sa Department of Foreign Affairs, sa pamahalaan ng Quatar, at iba pang foreign government sa tulong ng pagpapalaya kay Pacheco.
Tiniyak naman ni Cacdac, na bibigyan pa ng tulong ng DMW at OWWA, at iba pang ahensya ng pamahalaan si Pacheco gaya ng tulong pinansyal at livelihood assistance kapag ito ay umuwi na sa Pilipinas. | ulat ni Diane Lear