DNA testing sa mga sample na nakuha sa sasakyan na pinaglipatan umano sa nawawalang beauty queen, natapos na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natapos na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group ang DNA testing sa mga sample na nakuha sa inabandonang kulay pulang Honda CR-V na pinaniniwalaang pinaglipatan sa beauty queen na si Catherine Camilon.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Sotero Rodrigo Jr., Public Information Officer ng PNP Forensic Group.

Ayon kay Rodrigo, bukas ay inaasahang mailalabas ng Forensic Group ang kabuuang report sa naturang DNA testing.

Nabatid na 17 hair strands at patak ng dugo ang nakolekta ng mga eksperto sa CR-V.

Ikinumpara ito sa mga sample na nakuha sa mga magulang at kapatid ni Camilon na sumailalim sa Buccal Swab Collection.

Sa testimonya ng mga testigo, nakita nila ang duguang katawan ni Camilon na inililipat mula sa kanyang sasakyan na Nissan Juke patungo sa CR-V. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us